CHAPTER 26

869 39 3
                                    

Maghapon akong balisa sa trabaho at hindi makapagfocus dahil sa dami kong isipin. Kahit ganun ay pinipilit ko pa ring hindi maapektuhan ang trabaho ko. Ayaw ko namang magkamali at mapagalitan.

"Ingat sa pag-uwi hija." bati sa akin ni Kuya Jun na siyang nginitian at tinanguan ko na lang dahil tinatamad akong magsalita. Ganito ako maghapon.

"Pear! wait sabay na tayong umuwi! " sigaw ni Joy, nurse rin sa floor namin. Hinintay ko naman siyang matapatan ako bago maglakad na palabas.

"Tahimik mo ata ah, hindi ako sanay."

"May iniisip lang ako, Joy."

"Tara na nga! Siguro LQ kayo ng asawa mo ano?"

"Tae! wala akong asawa. Ganda lang."

"Lakas mo talaga parang yung putok ni Patricia."

"Huy! Bunganga mo baka marinig ka. Nakikiamoy ka na nga lang e."

"Sabagay."

Nagpatuloy na kami sa sakayan ng jeep at nang masundo ko na si Nazi. Nakaupo kami ngayon sa isang waiting shed at nag-aabang ng jeep ng makita ko ang sasakyan ni Rigor na paparating.

"Mommy!" sigaw ni Nazi habang nakadungaw sa bintana. Tumayo ako agad at dumungaw rin sa bintana kung nasaan siya .

"Nazi ko." dinakma ko ang kaniyang pisngi at pinupog siya ng halik.

"Papa told me that we will go to the mall." masaya niyang sabi at nilingon ko naman si Rigor.

"Tara?" nginitian ko siya at tinanguan.

"Joy?" Nilingon ko si Joy pero nakatingin lang siya kay Rigor at nakaawang pa ang bibig. "Joy?"

"WALASTIK!" sabi nito nang hindi pinuputol ang tingin kay Rigor.

"Huy! Mauna na ako sa'yo ha." tinapik ko pa ang braso niya. "Ha?" at bumalik na siya sa katinuan.

"Ah..ah sige. Hehe"

Sumakay na ako sa unahan at umandar na ang sasakyan.

"Kumusta ang baby ko?" nakakandong sa akin si Nazi habang pinupunasan ang pawis niya.

"Okay lang po kasi dumating agad si Papa kaya nagraro kami." tumingin naman ako kay Rigor at ngumiti naman siya sa akin. Humihikab na si Nazi dahil siguro sa pagod ay inaantok na siya. Pinadaba ko siya sa dibdib ko at niyakap ko siya.

Maya maya pa'y nakatulog na ito.

"Sein." mahinang tawag sa akin ni Rigor.

"Hmm?" kinuha niya ang kamay kong nakapatong lang sa likod ni Nazi at hinawakan niya iyon.

"I missed you." at hinalikan ang likod ng kamay ko na naging dahilan ng kiliti sa aking sistema.

"Nagsisi tuloy ako kung bakit ako pa pumunta sa Palawan. Namiss tuloy kita at si Nazi. Para akong mababaliw kapag umuuwi ako sa hotel at wala manlang sasalubong sa aking asawa. Bwisit. Parang sinisilihan ang pwet ko at gustong gusto ko na agad umuwi. Hahaha." natawa naman ako sa sinabi niya.

"Baliw! Asawa ka riyan!" at nagtawanan pa kami.

"Nandito ka naman na kaya hindi mo na kami mamimiss." sabi ko po at sumunod naman ang sandaling katahimikan.

Be My Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon