CHAPTER 24

877 37 5
                                    

Christmas day

"Pear, paarawan mo na si Nazi mas magandang paarawan ang mga baby sa ganitong oras." suwesiyon ni ate Kai.

"Hindi ko muna siya paaarawan 'te, tulog pa naman."

Baka makita siya ni Cassidy

Hawak ko sa aking bisig ang aking anak ng biglang dumating si Rigor at pumasok sa silid.

"Baby...." pagtawag niya rito

"Shhh wag ka maingay, tulog." suway ko sa kaniya.

"Sorry, mommy." nginitian naman niya ako.

Lumapit siya sa amin at umupo siya sa tabi ko.

"Ang gwapo talaga ng anak mo, manang mana sa akin."

"Ulol." at napailing pa ako ng sagad.

"Can I?" Dahan-dahan ko namang ipinatong sa nakalahad niyang braso si baby.

"Baby......" marahan niyang hinahaplos ang pisngi nito.

"Look at him. He's smiling." tuwang tuwa niyang sabi at napangiti naman ako. "He got a little dimple on this side. Shit." turo niya sa kaliwang side ng pisngi.

"No wonder maging babaero ang anak mo kapag lumaki na siya." hinampas ko ang braso niya. "Lintik ka!"

"Bakit? Hahaha look at this boy, oh."

Kung gaano niya kagustong gusto ang anak ko ay ganoon din kung gaano niya kagustong maging anak na lang ito.

Bakit nga ba hindi na lang ikaw, Rigor?

Kahit ilang beses ko pang ipilit na sana naging ikaw na lang pero paulit-ulit din sa akin iyong sinabi ni Alexis na God planned for it to happen. And during the process, nakilala kita.

"Baby pa lang maangas na! Lupet!" sabi pa nito. "and that makes me wonder who the father is hmmm."

Ito nanaman siya sa tanong na iyon.

"Hindi mo naman ako sinasagot sa mga tanong ko."

"Rigs, alam mo naman diba na ayaw kong pag-usapan 'to."

"Yeah, I understand." naging tahimik ang pagitan naming dalawa.

"Rigs...." pagtawag ko sa pangalan niya.

"Sein, naiintindihan kita, okay?"

Nginitian ko siya at ganoon din siya sa akin.

"Pero sana kapag bumalik na ulit siya sa inyo huwag mo naman akong kalilimutan. ah?" he sounded like he wants to hear an assurance.

"Rigs..." he looked at me with his sad eyes.

"Walang nakakaalam kung anong mangyayari pero isa lang masisigurado ko...."

I held both of his cheeks at pinaharap sa akin.

"Hindi ko hahayaang masaktan kita sa kahit na ano o paanong paraan. You don't deserve any kind of pain, Rigs."

At nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis.

You deserve the world.





"WHAT?" halos pumutok ang litid ni Isabel dahil sa pagkakasigaw. Ikunuwento ko sa kanila ang nangyari kagabi. Yung halikan.....

"Sira ba ang tuktok mo, Parisein?"

"Hindi ko naman alam na hahalikan niya ako. Nadala lang ako sa sitwasyon." paliwanag ko. "Maniwala kayo."

Napasapo naman sa kaniyang nuo si Isabel at pinakapakalma ang sarili. "Naiinis ako sa'yo, Pear. Hindi ka na nadala!"

"Sorry." nakatungo kong sabi sa kanila.

"Anong balak mo ngayon?"

"Aalis na siya bukas, kaya pipilitin kong sabihin na sa kaniya ang lahat mamaya."

"Pilitin mo talaga! Lintik, Pear." sabi niya habang nagpapalakad-lakad sa harapan ko. "Hindi ko matanggap na nakipaghalikan ka nanaman sa lalaking iyon!" tungong tungo na ako dahil sa kahihiyan.

"Magpasalamat ka at walang nangyari sa inyo. Siguro kung lasing ka kagabi baka buntis ka nanaman! Hayst."

Dismayang dismaya siya sa akin.

"Sorry, promise hindi na mauulit."

"There is no way na magpapagamit ka nanaman sa kaniya, Pear. No."

Narito sila para bisitahin si Nazi at iabot ang regalo sa kaniya at hindi naman sila mapapatagal kung hindi ko sinabi ang nangyari kagabi sa pagitan namin ni Cassidy.

Nang kumalma na sa inis sa akin si Isabel ay umuwi na rin sila at paulit-ulit pa niyang sinasabi na hindi siya natutuwa sa akin. Kahit ako sa sarili ko hindi rin ako natutuwa sa ginawa ko.




Kinahapunan ay todo ang pag-iwas ko kay Cassidy na halos hindi na ako umalis sa kusina at kwarto. Ayaw ko siyang makasalubong o makita manlang. Mag-iipon muna ako ng lakas ng loob para harapin siya at sabihin ang lahat sa kaniya.

"Baby...." tawag ko sa anak ko na nakahiga lamang sa kama. Lumikha naman ito ng tunog na pawang nakikipag-usap din sa akin. "Gusto mo bang makilala ang daddy mo?"

At isang ngiti ang iginawad niya sa akin na naging dahilan ng paglabas ng kaniyang dimple. Nginitian ko naman siya at hinalikan sa noo. "Kamukhang kamukha mo Cassidy, anak."

Wala pang ilang minuto ay nakatulog na si Nazi kaya naman nagpasiya na akong ayusin ang sarili para sa pagharap ko kay Cassidy mamaya.

Nasa tapat ako ng salamin at nagsusuklay ng buhok. Naglagay din ako ng pulbos at kaunting pulang tinta sa aking labi. Nang ako'y makuntento ay lumabas sa ako para hanapin si Cassidy.

Hindi naman ako nahirapang hanapin siya kasi nakita ko na siya agad na nasa may garahe at nakaupo sa isang ratan chair. Nakatalikod siya sa gawi ko.

Dahan-dahan akong naglakad kahit kinakabahan. Pinilit kong ikalma ang sarili dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi rin magkaintindihan ang kamay ko dahil sa sobrang panginginig.

"So, you're telling me na hindi si Yara ang kasama mo that night?"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses na iyon. Hindi ko siya nakita dahil nasa madalim na parte siya ng garahe.

"Paano mo naman nasabi?" anang isa pang lalaki. Boses iyon ni Dion.

"Yara told me."

"At naniwala ka naman?" sabi pa ng isa.

Patuloy lang ako sa pakikinig dahil hindi rin naman ako makakalapit sa kanila.

"Yes, that explains the call logs and messages in my old phone from her na ngayon ko lang nahawakan ulit."

"Nakipagbreak siya sa akin that night." pagtutuloy niya habang tinitipa ang alak na nasa baso.

"E sino yung babae?" t

Be My Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon