"Iona pwede bang, ano.."
"What?"
"Ano kasi..."
Hindi ko masabing 'pwede bang ikaw muna magbantay kay Nazi?', dahil pagagalitan nanaman niya ako. Ito ang ikatlong araw na magbabantay siya kay Nazi kung sakaling pumayag siya. Ikatlong araw ng pagtatago nanaman mula may Cassidy lalo na ngayon at alam niyang nasa paligid lang ako.
Lalo na't may naganap na halikan sa pagitan naming dalawa.
Bago ko ituloy ang pakikisuyo kay Iona at bumuntong hininga muna ako at ikinalma ang sarili.
"Ahmm, maganda ka naman, sexy, mabait, tingnan mo may sarili ka ng clinic, maya maya pa donya ka na......" inirapan niya lang ako.
"Enough with the foreplay, Pear."
"Pwedeng dito muna ulit si Nazi?" mahina kong sabi. Narinig ko naman ang pag 'HAYYY' niya. "Please?"
"May magagawa pa ba ako? Tsk."
"Salamat Iona! Hulog ka talaga ng langit!" masigla kong sabi na lalong ikinainis niya.
Tinawag ko naman ang naglalarong si Nazi kasama ang mga batang pasyente ni Iona para makapa-paalam na sa kaniya.
"Nazi, behave ko rito kay Ninang, huh."
"Opo, mommy. Balik ka kagad ah." yumakap pa ito sa akin at hinalikan ako sa lips.
Mahal na mahal ko talaga ang anak ko.
"Oo, baby. Promise." at tuluyan na akong nagpaalam.
"Huy! Parisein. Ayusin mo nga buhay mo! Hanggang kailan mo ba itatago si Nazi rito?"
"Hangga't maaari habang humihinga pa si Cassidy."halos puti na lang ang kita sa mata niya dahil sa tindi ng pang-iirap nito. Aba.
"Hindi lang nagsasabi iyang anak mo pero alam kong naba-bother na rin siya sa ginagawa mo. Matalino anak mo, Pear. Ewan ko lang kung bakit ang tanga mo!"
"Grabe ka naman!" paawa kong sabi.
"Kapag ako hindi nakapagpigil ako mismo magsasabi kay Cassidy ang tungkol kay Nazi para kahit paano makalaya na ang anak mo sa kakatago."
"Hindi ko kayang masaktan si Nazi, Iona. Baka matusok ko ng scalpel si Cassidy kapag umiyak si Nazi dahil sa kaniya." sabi ko. Sa totoo lang kayang kaya ko namang ipagtapat lahat kay Cassidy pero ang ideyang masasaktan si Nazi ang pumupigil sa akin para huwag gawin.
"I understand your point,okay. Pero tama na Pear." lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Kung masasaktan, edi masasaktan. Kesa patagalin mo pa yung pagtatago mo, I swear, mas masakit para kay Nazi kapag nalaman niya pa iyon sa iba at kapag mas pinatagal mo pa."
"Hindi mo ako naiintidihan, Ion. Masyado pang bata si Nazi para sa mga usaping ganito."
"Alam ko, pero sana kahit si Cassidy manlang ay may alam."
"Saka na kapag nahanap ko na ang karapatan niya." sabi ko.
Hindi na ako masyadong nagtagal dahil baka malate ako sa trabaho. Iba na ngayon napaka matikuloso ng Doctor sa floor namin. Ayaw ko namang mapahiya.
Pagkarating ko sa hospital ay dumaretso na ako sa quarter namin.
"Joy, may ginagawa ka?" rinig kong tanong ni Mam Roda kay Joy, habang ako naman ay tuloy lamang sa pakikipag-away sa text kay Isabel.
BINABASA MO ANG
Be My Mistake
Художественная прозаPaano nga ba masusukat ang pagiging mabuting anak? Parisein Jinri didn't expect na in just one night and one question ay magbabago ang lahat- ang pagiging mabuti niyang anak sa paningin ng magulang at pamilya. Hindi nga ba niya inaasahan ang lahat...