Tinanghali ako ng gising kinaumagahan kaya hindi na ako nagtaka kung bakit wala na ang mag-ama ko sa kama. Napapangiti naman ako sa tuwing iniisip kong magkakatabi kaming tatlo kagabi. Magyakap sa isa't isa na parang buo at isang pamilya. Nasa gitna si Nazi na tanging ang ama lang ang magdamag na kayakap.
Nakita ko naman silang lahat na nasa katre sa may niyugan at nagkakape. Andun din si Tito Kiko at katabi pa niya si Cassidy. Habang si Cassidy ay kandong sa kaniyang hita ang kaniyang anak. Bibilisan ko na sana ang paglalakad pero nakita ko namang ayus sila at nagtatawanan pa na akala mo'y magkakabarkada lang. Sipsip talaga itong si Cassidy. Tsk tsk.
Alam na nila na si Cassidy ang tatay ni Nazi. Hindi naman daw sila nabigla dahil unang tingin pa lang ay mahahalata na raw talagang anak niya ito. Muntik pang masuntok ni papa at ni kuya si Cassidy buti ay inawat sila ng matatanda. Kaya naman kagabi ay pinayagan kaming magtabi-tabi sa pagtulog.
Kinahapunan ay nagpasya kami ni Cassidy na mamasyal sa lugar namin. Sumangayon naman ako, syempre. Isasama sana namin si Nazi pero sina mama na ang pumigil dahil alone time raw namin itong 'mag-asawa', Char, sabi ko lang ay 'enebe!'.
Balak kong dalhin si Cassidy sa dagat kung saan ako natuto sa lahat ng bagay. Kung saan ako natutong mahalin ang dagat at kalangitan. Gusto kong maranasan din niya kung paano iduyan ng hampas ng alon ng dagat ang aking puso at kung paano ihele ng maitim na langit ang aking damdamin. Gusto kong makita niya kung ano ang naging karamay ko sa tuwing nalulungkot ako at gusto kong umiyak noon.
"Miss ko na ang anak ko." mukhang nawiwili siya sa pagtawag kay Nazi na 'anak' niya. Napapangiti naman ako kasi alam kong masaya siya. Kinuha ko ang kamay at hinawakan iyon. Tumingin siya sa akin. "Thank you for giving me, Nazi."
"Kung wala ang sperm mo ay hindi siya mabubuo kaya naman, Thank you for giving me your sperm." biro ko. Sumilip naman sa labi niya ang mga ngiting hindi nakakasawang tingnan.
"We're here."
Tila ako'y niyakap ng hangin dahil paglabas ko pa lang ng pinto ng sasakyan ay naramdaman ko na ang malamig na hangin. Ang dagat na ito ay bukas para sa lahat kaya walang bayad. Ngunit hanggang alas sais lang ang oras na pwedeng maligo roon. Hinuhuli ng tanod at pinagmumulta ang kung sino mang mahuhuling lumalabag sa oras.
Saktong alas singko ng hapon. May isang oras pa kami para tumambay at pagmasdan ang dagat at ang papalubog sa araw.
Naglatag si Cassidy ng sapin sa buhanginan at doon kaming dalawa nahiga. Nakaunan ang ulo ka sa nakalatag niyang braso.
"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na may anak na ako, Pear." bigla na lang siyang nagsalita.
"Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat dahil pinalaki mo siyang mabuti." niyakap ko ang katawan niya at isiniksik ko ang aking mukha sa kaniyang kili-kili. Ambango....
Nakaramdam naman ako ng antok. Kunti na lang ay pipikit na ang aking mata. Sarap itulog ng mga ganitong pakiramdam tapos sobrang tahimik pa ang paligid.
"Are you sleepy, Love?"
LOVE?
"Love?" tanong ko at kunyareng nagtataka.
"Ayaw mo? Ano bang gusto mong tawagan natin? Babe? Mahal? Asawa ko? Mine? Sweetie? Honey? Ano?" Natawa maman ako.
"Okay na ako sa Love, Love." inabot ng labi niya ang nuo ko at hinalikan ako roon. "Inaantok ako, Love." kinikilig kong sabi. Para akong nagdadalagang kakabago pa lang tinutubuan ng buhok.
"Maybe, we can stay at that cottage?" turo niya sa isang kubo. "Tulog ka muna may one hour pa naman." sabi niya. Tumayo na ako agad at binagtas ang daan patungo sa kubo. Muli niyang inilatag ang sapin at ipaunan ang kaniyang braso sa akin. "I'll wake you up na lang, Love, kapag magsisix na, okay?"
BINABASA MO ANG
Be My Mistake
General FictionPaano nga ba masusukat ang pagiging mabuting anak? Parisein Jinri didn't expect na in just one night and one question ay magbabago ang lahat- ang pagiging mabuti niyang anak sa paningin ng magulang at pamilya. Hindi nga ba niya inaasahan ang lahat...