Kabanata 2

63.3K 2.7K 913
                                    

Iritado





"Mesina?"


Agad kong tinaas ang kamay ko.


Umarko pa ang kilay ni Ma'am Lansangan bago lumapit sa banda ko at binigay sakin ang papel ko.


Napabungtong-hininga ako habang tinititigan ang score na nakuha sa ibinalik na test paper. Pasado lang ito at hindi kagaya ng nakasanayan ko noon na laging mataas o di kaya'y perfect.


Dumating kasi sa puntong napagod na kong pagbintangan na nangongodigo o nangongopya kapag nakikita nilang mataas ang nakukuha ng isang gaya ko sa pagsusulit. Kaya't minamabuti ko na lang na basta't maipasa na lang ang mga exams.


Nakakalungkot isipin na kailangan pang umabot sa ganito pero mas gugustuhin ko na ang katahimikang tinatamasa ngayon kesa noon na hindi rin naman ako lubusang nagiging masaya sa marka dahil sa mga naririnig sa kanila.


Nagulat ako nang may umagaw ng papel ko. Nakalabas na pala si Ma'am.


"Wow, Lia! Sana ol!" manghang sabi ni Ava habang ngumunguya pa ng chewing gum.


"Mababa nga eh,"


Nakita kong sumilip din si Zoe sa papel ko at nanlaki ang mata.


"Are you kidding me? This is already one heck of a score, Lia."


Hindi na rin ako nakapag-kumento nang mag-aya nang kumain si Quinn.


May naabutan kaming naka-upo sa madalas naming inuupuan at maangas na pinapaalis ni Ava at Quinn ang mga ito.


"Huy wag na," pigil ko sa kanila sa mahinang boses.


Tinapik ako ni Zoe sa braso. "Just let them," tamad na sabi niya.


Wala ring nagawa ang mga kawawang high school students at umalis sa upuan.


Habang kumakain kami ay dumating si Markus at naglandian na sila ni Quinn.


"Ay gago," biglang sabi ni Ava habang nakatingin sa phone.


Bumaling kami sa kanya.



"May e-mail si Sir Jad. Excessive na raw yung unsubmitted written works ko," sabi niya.


Natatarantang nag-check din ng phone si Zoe at Quinn.


Pinanood ko kung paanong lumukot din ang ekspresyon ng dalawa.


Si Ava naman ay tahimik na parang may kino-compute sa hangin. "Thirty percent yun diba?" tanong niya at may binilang sa daliri. "Okay lang pasado pa rin," sabi niya atsaka bumalik sa pagkain.


Napapikit naman nang mariin si Zoe. "No, Dad's going to kill me if I mess up even more." problemadong daing niya.


Simangot naman na nakatulala si Quinn habang malungkot din. Nang tila biglang may maisip ay mabilis siyang bumaling sakin.


"Lia," malambing na sabi nito.

Nabitin sa ere ang pagkain ko. I threw her a suspicious look.


"What?" kabado nang tanong ko.


She smiled widely at me.


I scrunched my nose. "Stop it, Quinn. It's creepy,"


Hindi siya nagpatinag.


"Type ka naman ni Sir Jad diba-"


"No." I immediately cut off whatever she's thinking.


Beneath What it SeemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon