Hell
Namangha ako sa tayog ng gusali ng kumpanya. Kung napabilib na 'ko ng exterior nito ay mas lalo naman sa interior. Detalyado ang bawat disenyo sa loob. Hindi maipagkakailang design firm nga ito. Dumoble ang excitement ko habang pumapasok.
Nakasaad sa dokumentong ipinadala nila sa email kung saan didiretso pagdating dito. Sumakay ako sa elevator para mapuntahan ang tamang palapag. Hindi naman naging mahirap matunton ang partikular na silid kaya't agad akong kumatok doon bago pumasok.
"Good Morning," nakangiting bati ko sa middle-aged woman sa loob.
Binati niya rin ako nang nakangiti at pinaupo sa harap niya.
"You are?"
Ngumiti ako. "Lia Kennedy Mesina po,"
May tinignan siya saglit sa papel sa harap niya.
"Right." lumiwanag ang mukha niyo.
"So, Ms. Mesina, I guess you've read the brief background of the firm in the file you received, right? Your Vision Enterprise primarily creates structural designs. We work with big establishments as well as individual clients."
Tumigil siya at may inilatag na tatlong papel sa akin. "As per your Fine Arts degree, we can offer you three possible positions. You can be one of our interior designers, ceramic artists, or crafts maker,"
Lumawak ang ngiti ko habang tinitignan ang mga papel kung saan nakadetalye ang job description ng bawat isa sa sinabi niya.
Inangat ko ang tingin sa kanya. "I actually took up some interior-design-specific courses in college, Ma'am. So I believe that I have all the specialized knowledge required for that particular job. I'll take that one po," ngiti ko.
"Great!" umaliwalas ang mukha niya. "I'm glad you immediately accepted it wholeheartedly, so just to motivate you more for this job, here are the details about your salary," malaki ang ngiti niya habang nag-aabot ng panibagong papel.
Tinanggap ko iyon at dahan-dahang pinasadahan ng tingin. Agad na tinawag ang pansin ko ng naka-bold letters na bahagi roon.
Nalaglag ang panga ko sa laki ng halagang nakasaad. Nanlalaki ang matang tinignan ko ang nasa harap ngunit nakangiti lang siya sakin.
Hindi ako makapaniwala! Bukod sa fresh graduate lang ako ay wala pa akong kahit anong ibang work experience! Ganito ba talaga ang sinasahod ng isang interior designer sa malaking kumpanya?
"For the complete transcript of the contract, please proceed to this office." may inabot siyang papel. "You can sign the contract with our boss." ngiti niya na pa na parang naaaliw siya sa gulat ko pa ring ekspresyon.
BINABASA MO ANG
Beneath What it Seems
RomantizmSIS (Social Issue Series) #2: Stereotyping Piercing, Tattoo, Dyed Hair. Usual indications of a badass. Kapag babae ka at meron ka nito ay malamang fuck girl, adik, slut, o wala ka raw patutunguhan sa buhay. Lia Kennedy grew up doing whatever she lik...