Kabanata 14

49.2K 2.3K 215
                                    

Missed




"So.." I leaned forward on the table. "Any advise for me?"


Dahan-dahan niyang inangat ang tingin mula sa binabasa papunta sa akin.


"Advise?" he raised a brow.


I nodded. "Yup, as a senior that has more experiences than a freshie." I shrugged. "Wait," I halted. "Sumali ka ba sa org or USC lang talaga?" I asked as I remembered that he's the University Student Council Vice President.


I saw him closing the book he's reading. He pushed it on one side of the table. Isang libro lang ang dala niya ngayon. Hindi kagaya ng kadalasan na higit pa sa dalawa.


"I did," he started. "I joined when I was on my first year too, like you."


Tumango-tango ako. Hindi ko maiwasang maging concern kung paano niya nakakaya ang amount ng workload na meron siya ngayon. I mean, 3rd year student na siya at for sure ay mabigat na ang academics niya dahil sa mahihirap na subjects tapos dadagdagan pa ng mga organization assembly then USC. It must be exhausting. I'm quite curious kung paano niya nakakayang ibalanse iyon.


"So?" I uttered waiting for the advise I was asking for.


Sumandal siya sa upuan niya at pinag-krus ang mga braso. Kusang lumipad ang tingin ko sa mga muscle niyang nadepina dahil sa paggalaw niyang iyon at sa posisyon niya ngayon. Hindi ko  alam kung bakit napalunok ako.


Bumalik lang ang tingin ko sa kaniya nang muli siyang magsalita.


"I think all you need to remember is that if it's an outside org activity, you don't necessarily have to go."


Kumunot ang noo ko. "Outside org activity?"


Tumango siya.


"Like?" I curiously asked. 


Umiwas siya ng tingin. "Inuman,"


Umawang ang labi ko, not really expecting that kind of advise from him. I thought he'd be focusing more on the formalism inside an organization. And to think that he highlighted it to be all that I need to remember. This piece of suggestion must be really essential then.


Tumango-tango ako. "Okay, that's easy." I shrugged.


I saw him raising both of his brows as his face sported an amused expression after what I said.


Nagtanong pa 'ko sa kaniya ng ilang bagay hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras.



"You brought your car?" tanong niya paglabas namin sa cafe.


Natigilan ako sa hindi inaasahang tanong niya.


"Uh, yes.." I answered sounding unsure.


Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng panghihinayang sa sitwasyon.  I can't help but wonder what could have happened if I didn't drive my car today.


There was that hallow space in my stomach as I saw him slowly nodding his head and about to head on his car.


"So," I suddenly said. I feel like I can't part ways with him right now without saying anything.


"..See you tomorrow?" I almost took it back right after it came out from my mouth. What's with me? Why do I have to say that? What if he doesn't answer?


Sa takot na mapahiya ay ako na lang din ang agad na sumagot sa tanong ko. 


"I'll see you tomorrow." I said with finality and flashed a smile before quickly getting in my car.


Para kong tanga, nakakahiya! Pinapagalitan ko tuloy ang sarili ko habang nagmamadali sa pagmamaneho paalis doon. Hindi na ko nangahas na tignan pa ang reaksyon niya. Parang napapadalas na kasi ang pagiging tuliro ko kapag kasama siya.



Pagdating sa bahay ay naabutan kong abala sila Mama.


"Anong meron Ma?" tanong ko pagkahalik sa pisngi niya.


"Dadating daw sila Tita Julie mo, anak. Patulong naman i-ready yung guest rooms please," she sweetly said. 


I felt a little bit excited at what she said. 


Automatic kasi na kapag sinabing "sila tita julie" ay instant family reunion na rito sa bahay. I may be a solo child but we do have a big extended family. Sa side nila Mama ay marami silang magkakapatid na mostly ay nasa Pangasinan. Kung hindi nga lang daw dito sa Maynila nagtatrabaho si Papa ay malamang sa Pangasinan din daw kami nakatira.


Ginabi kami sa pag-iintay kila Tita. Past 12 midnight na nang dumating sila pero tumaas nang todo ang energy ko nang makita ang mga cute kong pinsan. Kaya raw pala sila nandito dahil  sports fest sa work ni Tito Ric at dahil dito sa Manila gaganapin iyon ay naisip nilang samantalahin na ang pagkakataon para dumalaw.


Nakipagkulitan pa ko sa mga pinsan ko. Naglaro kami ng xbox habang nanonood ng movie ang iba. Nakaramdam lang ako ng pagod at antok nang sumiksik sa kanila sa sofa at hindi na nasilip pa ang oras.



I woke up the next morning by the sound of loud voices. Rinig na rinig ko ang malalakas na kwentuhan at tawanan nila Mama. 


Dahan-dahan kong minulat ang mga mata nang maramdaman ang liwanag mula sa bintana. 


Napaigtad ako nang may mapagtanto. Nagmamadaling hinanap ko ang telepono para tignan ang oras.


7:34 AM


Nabitawan ko ang cellphone habang nanlalaki ang mata.


Shit! I missed our jogging routine!









Beneath What it SeemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon