Not here
I can't let him keep on cornering me.
That's what I thought after that mind-blowing incident.
Kaya sa mga sumunod na araw ay inaya ko si Kai na sa bahay na muna ulit kami tumambay. Tinanong ko naman siya kung ayos lang sa kanya iyon dahil dalawang araw pa lang ay siya na ulit ang mag-aadjust at laging maglalakad papunta samin.
"Okay nga 'to eh," sabi niya at sumalampak sa sofa ng sala namin. "Nababadtrip ako sa bahay laging mainit ulo sakin ni Kuya," pagmamaktol niya bago nagbukas ng isang bag ng chips.
Ang taksil kong puso ay agad nagwala nang makarinig lang ng tungkol sa kanya. Lumunok ako at piniling wag nang magtanong ng tungkol sa binuksan niyang usapan.
"Netflix na lang muna tayo. May bagong series daw na maganda," sabi niya habang ngumunguya.
Sumang-ayon naman ako at sa living room na kami nag-set up ng papanoorin dahil mas malaki ang screen ng TV rito kumpara sa nasa kwarto ko.
Sa kalagitnaan ng pinapanood ay may naisip ako.
"Kelan na uli tayo magbabasketball? Siguro naman hindi na masyadong umaaligid dun yung mga 'yon," tukoy ko sa mga naka-ingkwentro namin nung nakaraan.
Tumango-tango siya at nilipat ang tingin mula sa screen patungo sa akin. "Sige, next week? Kaso may pasok na,"
Lumukot ang mukha ko nang mapagtantong tama siya.
"Ano ba sched mo?" tanong ko.
"5pm onwards free na ko,"
Nagliwanag ang mukha ko. "MWF ko hanggang 4:30 lang,"
Mukhang natuwa rin siya. "Nice, ano sa Monday agad?"
Tumango ako. "G, wala pa namang masyadong homeworks pag-first week."
Ngumisi siya. "I'll drive us with my new ride," pagmamayabang niya.
Nanlaki ang mata ko. "May kotse ka na?!"
Proud na tumango siya at binida ito sakin. Kinulit ko pa siyang sabihin kung anong model o kung may picture siya nito pero ayaw niya. Sa Lunes na lang daw para surprise.
Pagdating ng unang araw ng klase ay nagcutting na naman sina Quinn, Zoe at Ava. Inasahan ko naman na iyon dahil ganito sila tuwing simula ng semestre. Anila'y nagbibigay pa lang naman daw kasi ng requirements ang mga prof o nagpapakilala at wala pa namang importanteng ginagawa.
Aayain ko na lang tuloy sanang mag-lunch kasabay ko si Kai kaya lang ay hindi swak ang schedule namin sa tanghali ng araw na iyon. Sa hapon na kami nagkita noong oras na para sa napag-usapan namin.
"Chevy Corvette? Really, Kai?" nakangangang sabi ko nang makita ang kulay pulang sasakyan niya. "Yabang! Pasikat ka rin eh no,"
He arrogantly shrugged his shoulders. "I patiently waited for this for years. Hindi ako pumayag sa ibang inoffer ng Tatay ko hangga't hindi ito," tukoy niya sa partikular na uri ng sasakyan sa harap.
"Tss, ang show off mo. Ano ka racer?" natatawang asar ko sa kanya.
Inirapan niya lang ako at nag-aya nang umalis. Pagdating namin sa court ay wala ngang ibang tao roon. Nakapag-laro kami nang maayos at tahimik. May ilaw naman sa court kaya halos hindi pa kami nagpatinag
kahit dumilim na ang langit."Wednesday ulit?" hinihingal na aya niya.
Tumango ako. "Sasakyan ko naman gamitin natin para fair sa gas," natatawang sabi ko.
He made a face. "Daming alam," nailing pa siya.
Sumakay kami sa kotse niya at hinatid niya muna ako sa bahay bago siya nagdrive pauwi sa kanila.
Nang sumapit ang Miyerkules ay kapansin-pansing wala sa parking lot ang Chevy ni Kai. Maraming ibang magagandang sasakyan sa school pero hindi maitatangging angat na angat iyon pag nandun. Sabi niya sakin sa text ay naki-hitch na siya sa Kuya niya papasok since sasabay naman siya sakin mamaya.
Pagtapos ng klase ko ay tumungo na ko sa parking lot. Late na rin kasing nag-dismiss kaya sakto na ang oras para sa paghihintay. Pumasok ako sa kotse at nagdesisyong doon na mag-abang.
Lia Kennedy:
dito na kita hintayin sa sasakyan
Pinindot ko ang send button para maipadala iyon kay Kai. Ilalapag ko pa lang ang cellphone nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.
"Ambilis mo nam-"
Hindi ko natuloy ang sasabihin nang si Ridge ang naabutang nagbagsak ng pinto pasara at prenteng umupo sa passenger seat.
"What the hell are you doing here?" laking pasasalamat ko na agad kong nahanap ang boses sa kabila ng pagkabigla.
Diretso lang ang tingin niya sa harap at may seryosong ekspresyon ang mukha. Tuwid na tuwid din ang pagkakaupo niya.
"Drive." ma-awtoridad na utos niya.
Napanganga ako.
"Who are you to-"
"Paandarin mo ang sasakyan kung ayaw mong maabutan tayo rito ng kapatid ko at kuwestiyonin niya kung bakit tayo magkasama sa sasakyan mo." pagbabanta niya gamit ang malamig na boses.
Nag-alab ang kalooblooban ko sa inis at pagkamuhing naramdaman sa sinabi niya. Ang lakas ng loob niyang gipitin ako. Humigpit ang hawak ko sa manibela. Hindi ko na napigilan ang sariling murahin siya.
"Fuck you." malutong na sabi ko.
Lumingon siya sa akin at pinagtama ang mata namin.
"I'll let you, but not here." he uttered with a deep voice while maintaining a grim expression.
Wala nang mapaglagyan ang matinding iritasyon ko sa kanya ngunit nakita ko sa gilid ng mata ko si Kai na nasa malayo at nakadungaw sa telepono niya.
"Shit," mahinang bulong ko.
It's not like I have something to hide from Kai. Pero hindi ito ang tamang sitwasyon at pagkakataon para malaman niya ito.
Ni hindi ko alam kung paano biglang ipapaliwanag sa kanya kung anong namamagitan sa amin ng Kuya niya gayong hindi ko nga alam kung anong meron kami o kung meron bang kami.
Nagmamadaling binuksan ko ang makina ng sasakyan at inis na pinasibad ito.
BINABASA MO ANG
Beneath What it Seems
Storie d'amoreSIS (Social Issue Series) #2: Stereotyping Piercing, Tattoo, Dyed Hair. Usual indications of a badass. Kapag babae ka at meron ka nito ay malamang fuck girl, adik, slut, o wala ka raw patutunguhan sa buhay. Lia Kennedy grew up doing whatever she lik...