Kabanata 30

51.3K 2.1K 172
                                    

Balita





"Bakit ka ba kasi nag-transfer?"


Natigilan ako sa tanong ni Ava. Nakita ko ang nag-aabang na mukha rin nila Quinn at Zoe sa screen.


"Hindi ako nagtransfer," sabi ko sa mahinang boses.


"What?" lumukot ang mukha ni Zoe. "What do you mean?" umalingawngaw ang boses niya sa speaker ng laptop ko.


Bumuntong-hininga ako. "Saka ko na ikukwento pagnagkita-kita tayo sa personal,"


Quinn groaned. "When will that be? You keep on saying that pero hindi naman matuloy-tuloy,"


Lumunok ako. "Kapag nakahanap na ko ng trabaho,"


"Hay, sana all graduate na!" sabi ni Ava.


Delayed silang tatlo kaya makalipas ang halos tatlong taon ay hindi pa rin sila nakakapagtapos ng pag-aaral.


"Basta, Lia promise na yan ah! We'll see each other soon!" Zoe said.


Nagcatch-up pa kami ng ilang saglit bago ko binaba ang tawag dahil paubos na rin ang load ng pocket wifi ko.


Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa umiitim ang screen ng luma kong laptop dahil sa pagpatay ko rito.


Hindi alam ng karamihan na pinatalsik ako sa university. Kagaya ng mga kaibigan ko, ang kumalat na balita sa iba ay lumipat lang ako bigla.


Ang tanging nakakaalam lang ng totoong nangyari ay ang mga magulang ko, si Mrs. Asterio, at ang chancellor ng school na siyang mga nagharap-harap sa opisina.


Binigyan ako ng paratang nang walang sapat na basehan. Ibinaba nila ang desisyon nang walang inilalatag na ebidensya. Tandang-tanda ko pa kung paano nakipaglaban sila Mama at Papa noon. Ngunit sarado na ang isip ng mga kataas-taasan. Ilang beses silang umapila pero ang mga nasa posisyon ay nagbulag-bulagan.


Pinlano pa ni Papa na idaan sa hukuman at magsampa ng legal charges laban sa eskwelahan ngunit sa kasagsagan ng mga pangyayaring iyon naman lumabas ang sakit niya.


Sa bilis ng mga pangyayari ay kinailangan niya nang huminto sa pagtatrabaho. Ang ipon ng pamilya namin ay ginamit sa pagpapagamot niya. Nang lumala ang sitwasyon ay kinailangan muna naming isangla ang bahay hanggang sa tuluyan na itong nawala sa amin.


Nang makalipat sa murang tirahan ay nagdesisyon na si Mama na tumanggap ng mga raket sa photography kung saan siya tanging may kaalaman. Siya na ang nagdadala ng pera sa pamilya simula noon. Pinagkakasya namin ang maliit niyang kita upang makatawid araw-araw.


Hindi naging madali ang paglipat ng eskwelahan para sakin. Halos walang gustong tumanggap sakin dahil sa nakamarka sa mga papeles ko na dahilan ng pagpapatalsik sa akin. Kung wala lang sanang kakilala si Papa noong kolehiyo siya na ngayon ay may-ari na ng isang hindi sikat na paaralan ay malamang hindi na ako nakapag-aral.


Sa bagong simula ko sa maliit na pamantasan ay wala akong ibang inatupag kung hindi ang mag-aral. Ang mithiin ko ay agad na makapagtapos para makatulong sa pamilya. Hindi ko na inintindi ang pakikipagkaibigan. Ni hindi ko na muli pang inisip kung may manghuhusga sa akin kung matataas ang makukuha kong mga marka. Ang alam ko lang ay kailangan kong pagbutihin dahil ito na lang ang tanging paraan.


Hindi ako nakagraduate nang may latin honors dahil sa history ng expulsion ko ngunit ang mga grado ko ay higit na maipagmamalaki.


Akala ko sapat na 'yon. Akala ko malaking tulong na 'yon. Pero nang sumubok nang maghanap ng trabaho, makita pa lang nila ang pulang marka ng pagpapatalsik sakin sa bahagi ng educational background ko ay hindi na sila nag-aabalang interview-hin pa ako.


"Ma?"


Lumapit ako kay Mama na nakaupo sa upuan sa maliit na kusina habang may calculator at ilang bills sa harap niya na nakapatong sa lamesa.


"Yes, dear?" tanong niya habang nanatili ang mata sa kinukwenta.


Kung mayroon akong magandang natunghayan sa mga nakalipas na madilim na taon ng buhay ko, iyon ay kung gaano katatag si Mama. Lubos kong hinangaan ang lakas na ipinakita niya. Hindi lingid sa kaalaman ko na gabi-gabi siyang umiiyak noon tuwing akala niya'y tulog na kami pareho ni Papa. Pero tuwing kaharap niya ako, tuwing kaharap niya kami, hindi siya kailanman nagpakita ng kahinaan.


Lumunok ako. "Kumusta po yung maintenance medicines ni Papa?"


Lumingon siya sa akin. "Nakabili na ko, anak. Sabi ko naman sayo may mabubuting taong nags-sponsor sa pagtulong sa atin sa pagpapagamot ng Papa mo diba?" nakangiting sabi niya.


Napabuntong-hininga ako. "Ma, I'm sorry. Hindi pa rin po kasi ako natatanggap sa trabaho,"


Lumambot ang tingin niya. Inabot niya ang kamay ko at pinisil iyon.


"Wag ka mag-alala, anak. Kaya pa naman ni Mama. I'm sure in time, makakahanap ka rin," ngiti niya.


But I know better. Sa likod ng mga ngiting iyon ay may nagtatagong lungkot, paghihirap at pagod.


I can feel the heaviness in my chest. Tumango na lang ako at nagpaalam na sa kaniya saglit. Iniwan ko na siya roon dahil natatakot akong traydurin ako ng mata ko at ilabas ang mga hindi inaasahang luha.


Lumiko ako at pumasok sa pinto ng CR. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili.


Ayokong umiyak. Hindi ako iiyak. Kapag umiyak ako ay mamumula ang mata at ilong ko. Mahahalata ni Mama. Ayokong mag-alala si Mama. Ayokong dagdagan pa ang mga problema ni Mama.


Mariin akong nakapikit nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Napadilat ako at kinuha iyon.


Kumunot ang noo ko nang makita email iyon. Binuksan ko ang mensahe.


Greetings!

This is Your Vision Enterprises. We've gone throught the list of fresh graduates from different Universities and we're pleased to inform you that you're one of our top picks to be part of our firm.

Attached here is the file that contains the important details you must know in accordance to accepting what our company has to offer.

We are very much excited to work with you soon! Hope to see you on the 28th for the job discussion and contract signing. Thank you!


Nanlaki ang mata ko.


Halos mabitawan ko ang cellphone habang laglag ang panga.


Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa screen


Magkakatrabaho na ko!


Kailangan ko 'tong ibalita kay Mama!


Malaki ang ngiti ko at nagmamadaling lumabas.





Beneath What it SeemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon