Bwiset
Gusto kong umurong.
Gusto kong tanggihan ang trabaho.
Gustong-gusto ko.
Kung hindi ko lang sana naabutan ang landlady na inaaway si Mama pag-uwi ko. Kung hindi ko lang sana nakita kung paano minura-mura at binato ng masasamang salita si Mama. Kung hindi ko lang sana nakitang lunukin ni Mama ang pride niya at nagmakaawang bigyan pa kami ng palugit. Kung hindi ko lang sana siya nakitang halos lumuhod na para lang mapagbigyan.
Kung hindi lang talaga sana.
Kaso ay hindi nga umayon sakin ang mga sana ko.
Kaya noong sumunod na araw ay binaon at nilibing ko na sa lupa lahat ng hiya ko. Kinalimutan ko na kung ano man ang pagmamalaki pa na meron ako. Nilimot ko na muna lahat ng sama ng loob ko.
Wala akong choice.
Dahil ang choice ay para lang sa mayayaman.
At hindi ako kabilang don.
Hinarap ko ang mapagmataas na ekspresyon ni Ridge. Pinilit kong hindi magpaapekto sa nakakapanliit na mga reaksyon niya. Nagbulag-bulagan ako sa mayayabang na tingin niya habang pinipirmahan ko ang kontrata kahapon.
At ngayon. Ngayon ang simula ng unang araw ko sa impyerno. Ang pangarap kong trabaho na inaakala ko'y magiging langit para sa akin ay kay bilis umikot.
"Hi, ikaw yung bago?"
Tumango ako sa isang mukhang mabait na lalaking sumalubong sa akin.
"I'm Chance, part ng Interior Designing Team." sabay lahad niya ng kamay.
"Lia," simpleng sabi ko at tinanggap ang kamay niya.
Ngumiti naman siya.
"Yung cubicle mo ay iyon," turo niya. "Magkatabi lang yung satin kaya kapag may kailangan ka ay wag kang magdalawang isip na lapitan ako,"
Tila gumaan naman ang loob ko at sumilay na rin ang ngiti. Nakita kong natigilan siya roon.
"Sige, salamat."
Tinanguan ko pa siya at dumiretso na sa tinuro niya. Mukhang hindi naman ito tuluyang maituturing na bangungot dahil parang may ilang busilak naman ang kalooban at maituturing na anghel.
Habang nag-aayos ng gamit ay hindi ko maiwasang makaramdam pa rin ng galak. Ito ang kauna-unahang trabaho ko. Ang magkaroon ng sariling lamesa, pwesto at espasyo ay masarap pa rin sa pakiramdam. Nag-enjoy pa ko sa pag-organize ng gamit sa cubicle ko.
Tumunog bigla ang telepono sa desk ko roon at bahagyang napatalon pa ko sa gulat. Kinuha ko iyon para sagutin.
"Hello?"
"Good morning, Ms. Mesina. This call is from the CEO's Office. You'll be working with Architect Asterio for your first ever project. Please come to his office for further details."
Just when I thought that things can actually get better. I sighed.
"Alright. Thanks," sagot ko bago ibinaba.
Patapos na rin naman ang pag-aayos ko kaya't hindi rin nagtagal ay umakyat na ko sa opisina niya.
Binati ako ng nadaanan kong sekretarya niya. Kinailangan ko pang huminga nang malalim bago buksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
Beneath What it Seems
RomanceSIS (Social Issue Series) #2: Stereotyping Piercing, Tattoo, Dyed Hair. Usual indications of a badass. Kapag babae ka at meron ka nito ay malamang fuck girl, adik, slut, o wala ka raw patutunguhan sa buhay. Lia Kennedy grew up doing whatever she lik...