Kabanata 37

56.8K 2.5K 859
                                    

Not everyone





Halos hindi ako pinatulog ng nalaman kong iyon. Idagdag mo pa ang imahe ng nakaluhod na si Ridge habang nababasa ng ulan. Binagabag din ako ng pagkabahala kung nakauwi kaya siya nang ligtas sa kabila ng hirap na makahagilap ng masasakyan dito sa lugar namin pag-ganung oras.


Kinabukasan tuloy ay ramdam ko pa ang antok.


"Good morning, dear." bati sakin ni Mama. "Hindi ka ata naka-office attire today?" tanong niya matapos pasadahan ng tingin ang suot ko ngayon.


Tumango ako. "Start po ng site visit namin ngayon," simpleng sabi ko. Medyo casual ang outfit ko ngayon dahil dun.


Nginitian niya naman ako. "Ang sexy talaga ng anak ko!" kumindat pa siya nang pabiro.


Tinawanan ko na lang yon habang naiiling. Kumain lang ako ng almusal at hindi nagtagal ay nagpaalam na rin.


Paglabas ng pinto ay halos bumagsak ang puso ko sa sahig nang matanaw si Ridge at ang sasakyan niya sa labas ng mababang gate namin.


Napatuwid siya ng tayo nang makita akong papalapit. Lumabas ako sa kahoy na gate at sinarado iyon nang walang sinasabi hanggang maharap siya.


Nakita ko ang paglunok niya. Bakas na bakas din ang pag-iingat sa mga tingin niya. Ngunit bukod don ay may iba akong napansin. Medyo namumutla siya at masyadong malamlam ang mga mata. Ang mga ilong niya ay bahagyang namumula pa. Sa kabila ng lahat ng yun ay ang lakas pa rin ng dating niya lalo na sa suot niya ngayon. I mentally shook my head.


"Uh," he cleared his throat. "T-today's the start of the site visit-"


"Alam ko." putol ko sa kanya. I saw him paled even more. "Bakit kailangan mo pang pumunta rito sa bahay?"


He swallowed. "S-susunduin sana kita so we can go there together,"


Inaasahan ko naman nang magkasama kaming pupunta roon dahil nagtatrabaho kami para sa iisang kumpanya at pareho lang ang panggagalingan. Pero hindi niya naman na ako kailangan pang sadyain sa bahay.


"Hindi mo tungkuling gawin 'yon. Pwede namang sa kumpanya na tayo magkita,"


Nakita ko ang pagbagsak ng mukha niya.


I cleared my throat. "Wala ba tayong ibang makakasama? Perhaps, an engineer?"


Inangat niya ang tingin sa akin at umiling.


"We do have resident engineers but Mr. Flavion have people that he would want to handle the construction of the project so we will need to collaborate,"


Nang makuha ang sinasabi niya ay napatango naman ako nang marahan. Binalot kami ng katahimikan. Hindi rin ako gumalaw sa kinatatayuan.


Inangat niya ang malulungkot na tingin sa akin. Pilit siyang lumunok.


"I-if you're not comfortable to go with me together t-then I'll have someone drive you-"


"No," I released a heavy sigh. "Let's just..go," sabi ko sabay tungo sa pinto ng passenger's seat.


Ayoko nang patagalin ang usapan at gawin pang kumplikado ang sitwasyon. Lalo na at para naman ito sa trabaho.


Medyo natigilan pa siya sa labas bago sumunod at pumasok na rin. Kakaandar pa lang ng sasakyan nang may tumakas na ubo sa bibig niya.


"Sorry," paos na sabi niya.


Lumunok ako. Halatang-halata nang may sakit siya. Gusto ko man kumpirmahin ay ayoko naman siyang hawakan o tanungin tungkol doon.


Beneath What it SeemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon