Kabanata 25

52.8K 2.4K 582
                                    

Afraid





Unknown Number:

I'm sorry. Please let's talk


Binagsak ko sa kama ang cellphone matapos mabasa ang mensahe. Kahit nagmula sa hindi nakarehistrong numero ay alam ko na agad kung kanino galing iyon. Iniisip ko pa lang kung paano niya nakuha ang number ko ay muli itong tumunog.


Unknown Number:

I didn't mean it like that


Unknown Number:

Please


Unknown Number:

I'm dying to see you


Kusa napatiim ang bagang ko. Pagod na ang mga mata ko matapos ang walang-tigil na pag-iyak kanina sa CR. Ayoko na munang isipin siya at ang nangyari kanina dahil nauubos lang ang lakas ko.


Panay ang paghingi ko ng tawad kay Kai sa tawag dahil sa nangyari. Sinabi ko na lang muna na meron akong biglaang importanteng inasikaso. Hanggang sa pagkikita namin kinabukasan ay nagso-sorry pa rin ako sa pag-iwan sa kanya nang walang paalam.


"Ayos nga lang, sabi mo naman emergency eh."


Napabuntong-hininga ako.


"Paano ka pala nakauwi?" nag-aalalang tanong ko dahil natandaang wala siyang dalang sasakyan kahapon.


Nagkibit balikat siya. "Pinuntahan ako ni Kuya before yung last subject ko tas iniwan yung susi ng kotse niya. May lakad daw sya,"


Nagparte ang labi ko at hindi na nakapagsalita nang ilang saglit.


"Nga pala, pag naglaro tayo pwede nating isali yung mga tropa kong teammates ko rin habang wala pa kaming formal training. Kung okay lang naman sayo. Matitino naman yung mga yun,"


Natigilan ako. "Hala, nakaka-pressure naman yun. For sure magagaling silang lahat,"


Tinignan niya ko. "Magaling ka rin naman,"


Napangisi ako nang mapang-asar sa sinabi niya. "Yes namaaan, did I just receive a compliment?"


Umirap siya. "Parantanga,"


Napahalakhak ako. "Pero seryoso, okay lang kaya sa kanilang makipaglaro sa babae?"


Parang nag-isip siya saglit. "Hindi pa nila nasusubukan.. Pero sigurado akong matutuwa silang kalaro ka,"


Napangiti na naman ako. "Naks, proven and tested mo na ba?"


He just made a face. Ayaw pang aminin eh!


Lumipas ang buong araw na ilang beses kong biglang nakikita si Ridge na parang may hinahanap. Panay naman ang iwas at tago ko pagnatutunugan siya. Inis na inis ako dahil dati naman ay hindi nagkukrus ang landas namin dito sa school pero ngayon ay lagi sigang nasa paligid.


Sila Zoe at Quinn ay sa group chat lang active pero missing in action pa rin sa mga klase. Si Ava naman ay hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan.


Patulog na ko nang gabing iyon nang tumunog ang cellphone.


Unknown Number:

Lia, I'm outside your house


Parang nalaglag ang puso ko sa nabasa. Dali-dali akong bumangon sa kama at sumilip sa bintana. Nakita ko nga sa labas ng bahay namin ang kotse ni Ridge. Nasa labas siya noon at hawak ang telepono. Umangat ang ulo niya at bago pa magtama ang mata namin ay sinarado ko ang kurtina.


Beneath What it SeemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon