Kabanata 20

50.7K 2.3K 419
                                    

Arte




"Bitaw na kasi," natatawang sabi ko.


Suminghap lang si Kai at mas hinigpitan pa ang kapit. "Wag ka na lang kasing makulit,"


Napahalakhak naman ako habang nakikita siyang nakayuko lang at tila nagfofocus.


Nandito kami ngayon sa tattoo shop kung saan din ako nagpatattoo dati. Finally ay natuloy na rin ang plano ni Kai na magpalagay.


Nahirapan siyang pumili sa mga pinakitang designs kanina. Torn siya dahil may plano na sana siyang baybayin characters na ipapalagay pero nang makita ang isang abstract design ay namangha. Kalaunan ay yun na ang pinili niyang ipalagay sa tagiliran niya.


Kitang-kita ang laki ng katawan niya ngayon dahil nakahubad ng pantaas pero kung makakapit siya sa braso ko habang tinatattoo-an ay parang batang paslit lang. Nakatungo pa talaga ang ulo niya at parang nagfofocus na hindi indahin ang sakit.


Winaksi ko ulit ang braso ko na hawak niya para madistract siya.


Rinig ko ang agad na pag-angal niya. "Ken naman!" He groaned.


Natawa ulit ako. Hindi ko na siya muli pang ginulo dahil naawa rin naman ako sa kanya.


Nang matapos ay nanatili pa siya sa parehong posisyon niya nang ilang minuto bago tuluyang lumapit sa tapat ng salamin para tignan iyon.


"Fuck, ang angas." kumento niya pagkakita.


Hindi ko maiwasang tumango bilang pagsang-ayon. Kahit mamula-mula pa ang balat niya ay angat na angat ang astig na blank ink. Ang abstract design ay may pagka-tribal din at talagang maganda ng pagkakalapat sa balat niya. Halos sinakop nito ang buong tagiliran niya.


Ngumisi siya at nilingon ako. Binigyan ko naman siya ng thumbs up at malaking ngiti.




Panay ang ngiti ng loko habang nagdadrive na ko pauwi. Wala pang sasakyan si Kai at ang sabi raw sa kanya ng Daddy niya ay saka na pagmagsisimula na ang pasukan.

Nakatuon ang mata niya sa cellphone niya at paulit-ulit pa rin ang pagbobrowse sa mga pictures kanina. Kinuhanan niya agad ang tattoo niya habang nakaharap sa salamin at pinapicture-an niya pa ito nang maayos sa akin. Ginawa pa talaga niyang lockscreen yung isa. Parang tanga lang.


Pailing-iling lang ako hanggang makarating kami sa bahay.


"Hi, Tita!" bati niya agad kay Mama.


Pang-ilang punta niya na rito sa bahay at feeling close agad siya kila Mama.


"Kai!" Ngumiti naman nang malaki si Mama habang nasa kitchen counter. "Ano, natuloy kayo?"


"Opo, look," proud na tinaas niya tshirt at tumagilid.


Namangha naman si mama at pinuri pa ang mokong. Napailing-iling na lang ako at dumiretso na sa kwarto para mag set-up.


Di naman nagtagal ay sumunod na rin siya na may dala nang meryenda.


"The best talaga si Tita," nakangising sabi niya habang nilalapag ang lasagna sa sahig.


Nakwento niya sakin isang beses na naaalala niya raw ang luto ng Mommy niya sa mga hinahandang pagkain samin ni Mama. Once a year lang daw kasi kung umuwi ang mga magulang niya kaya't namimiss niya ito.


Sumubo muna kami bago nagsimulang maglaro. Dati ay lagi akong sabik na may makalaro ng xbox dahil wala akong kapatid pero ngayong nandito na siya ay parang naumay naman ako.


"Uy sawa na ko kaka-xbox ang corny na. Sa inyo naman tayo next time para maiba," sabi ko habang ngumunguya at hawak ang controller.


Nanatili sa screen ang mata niya at seryoso sa pagpindot. "Gusto mo ba?" sinilip niya ko saglit. "PS4 at Switch lang meron ako sa bahay,"


Nanlaki ang mata ko. "Nice, sige!"


Tumango naman siya at sinabing dun naman daw kami sa kanila sa susunod.


"Ibig sabihin first year college ka na sa pasukan diba?" tanong ko sa kalagitnaan ng game. Bigla ko kasing naalala yung tungkol sa edad niya.


"Yep," sagot niya nang hindi pa rin nagpapatinag sa laro.


"San ka papasok?


"Springfield,"


Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya saglit.


"Parehas tayo!" Binalik ko ang tingin sa screen. "Course mo?"


"Food Tech," simpleng sabi niya.


Sinilip ko ulit siya saglit. "Dream course mo?" curious na tanong ko.


Nakita ko siyang medyo umiling.


"Wala kong dream course. Gusto ko lang magbasketball," he shrugged.


"Ah, nakatanggap ka ng offer sa team ng Springfield?"


Tumango-tango siya at seryoso pa rin talaga sa game.


Napautot ako bigla.


Nakita kong lumukot ang mukha niya.


"Ambantot, Ken!" Hinila niya ang kumot mula sa kama ko at sinaklob sa akin. "Kadiri ka!"


Napuno ng malakas na tawa ko ang kwarto. "Bat mabango ba utot mo?" bawi ko sa kanya.


Panay pa rin ang halakhak ko.


Hindi naman masyadong mabaho eh!


Arte!



Beneath What it SeemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon