Kabanata 38

60.3K 2.4K 771
                                    

Deserve





Linggo na noong sumunod na araw kaya't tulad ng nakasanayan ay wala na sila Mama paggising ko. Maaga silang umaalis para sa scheduled check-up ni Papa dahil medyo malayo pa rito ang ospital. Sa nakahandang almusal ay nag-iwan pa ng note si Mama na mauna na raw akong magsimba dahil dadaan na lang sila sa church after ng session ni Papa.


Kumain ako ng heavy meal dahil mahaba ang araw ko. Pagkatapos ay naligo at nag-ayos na ako ng sarili bago lumabas.


I halted on my step when I was welcomed with the same scenario like yesterday.


Ridge Asterio looking dashing as usual with his casual clothes while leaning on his car. It was his very same waiting stance once again, minus the paleness of his lips and redness of his nose. He looks better now. Which just added to his attractiveness.


His face lit up upon seeing me.


"Hi,"


I sighed. "What are you doing here?"


He scratched his nape. "Uhm, may lakad ka ba?"


My forehead creased. "Yes, why?"


Lumiwanag ang mukha niya. "I'll go with you,"


Umiwas ako ng tingin. "Ayokong masanay na kasama ka."


I wasn't looking so I don't know how he reacted with that.


"Bakit hindi? Dapat lang naman na masanay ka na talaga," he cooly said.


Nagparte ang labi ko na tinignan siya. Umiling ako at sinubukan siyang lampasan.


"Lia, please?" kumapit siya sa braso ko. "Kapag iniwan mo ko ay susundan lang din naman kita ulit.. Just settle in the comfort of my car, okay? Please?" sabi niya gamit ang nagsusumamong boses.


Nanatili akong nakatalikod habang tinitimbang ang mga bagay-bagay. Kung bubuntutan na naman nga niya ako ay sasama na naman siya sa pagsakay ko sa mga public transpo. Halos mapaface-palm ako habang naaalala ang paggawa niya ng eksena dahil lang nagkakadikit na kami nung katabi ko gayong normal lang naman yun. Isa pa'y malaki ang nalulustay niyang pera para lang sa pamasahe.


I sighed in defeat. I looked at him with blank expression.


"Sa church lang sa bayan," sabi ko at tumalikod na para pumasok sa passenger's seat.


Nakapasok na ko't lahat ay nakita ko pa siyang nakangiting nakatitig sa pwesto ko kanina. Nagawa ko pang umiling bago siya tuluyang pumasok.


Tahimik siyang nagmamaneho pero may kurba ang labi niya. Napabuntong-hininga ako at hindi na napigilang magtanong.


"Magaling ka na ba?"


Nakita kong natigilan siya at sinilip ako. He looks amused.


"Yeah.." he breathed out.


Tumango lang ako. Now, the smile completely broke onto his face. Hindi na ito nabura sa mukha niya hanggang makarating kami sa simbahan.


"Nagsisimba ka ba?" kyuryosong tanong ko habang papasok na kami.


He peaked at me with obvious joy. "We do but very rarely. To be honest, hindi ko na matandaan kung kelan yung last time." he smiled widely.


"I'm glad I was able to go again this time.." he eyed me intently. "But now, with you," madamdaming sabi niya.


Kung hindi pa may bahagyang napatulak sakin sa likod ay hindi mapuputol ang titigan namin. Sa nangyari ay halos mapasubsob ako sa katawan niya.


Beneath What it SeemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon