Defeated
Kaya nang maalimpungatan ako noong madaling araw ay sinamantala ko na ang pagkakataon. Mahigpit ang pagkakayakap sakin ni Ridge kaya't dahan-dahan ang pag-alis ko sa braso niya. Sa unang subok ko ay mas humigpit lang ito at siniksik niya pa ang sarili patungo sa akin.
Sinilip ko kung nagising siya ngunit hindi naman. Muling kong inangat ang kamay niya nang mas maingat. Nilagyan ko na lang ng unan ang pagitan ng mga braso niya bilang kapalit ko. Sa pagtayo ko ay hindi ko mapigilang indahin ang hapdi sa pagitan ng mga hita.
Mabilis kong inayos ang sarili. Nang masuot na ang mga dapat masuot ay tahimik kong binuksan ang mga pinto para makalabas. Laking pasasalamat ko nang wala sa istasyon niya ang sekretarya ni Ridge. Nakauwi na siguro.
Bumaba ako sa palapag namin. Naabutan ko ang lamesa sa longue area na malinis na. Halos wala nang tao sa buong opisina. Pumunta ako sa cubicle ko at doon ay nakita kong maayos na nakasalansan na ang mga naiwan kong gamit. May nakalagay pang note doon.
Lia,
I finished putting final touches on the designs. Mukhang matatagalan ka pa kaya inayos ko na sila rito. Ingat pauwi! :)
- Chance
Halong ginhawa at guilt ang naramdaman ko sa nabasa. Mamaya ko na lang pasasalamatan ang kabutihang-loob ni Chance. Siguro ay magandang ideya rin na i-treat siya.
Tingin ko'y sapat na rin naman ang maraming designs na nagawa ko kagabi. Mamaya ko na lang ifa-file ang lahat ng iyon sa portfolio tutal ay hapon pa naman ang presentasyon.
Kinuha ko lang ang cellphone at bag ko saka umuwi. Palagay ko'y kailangan ko pang dagdagan ang tulog at pahinga ko sa bahay para naman hindi ako masyadong matigalgal sa gaganapin mamaya. Alas-otso pa naman ang pasok at may ilang oras pa ako.
Naabutan ko si Mama na natutulog sa masikip na sofa. Nagising siya sa pagdating ko at nag-aalala siyang nagtanong kung bakit ako inumaga. Ayoko mang magsinungaling ay sinabi ko na lang na dahil iyon sa trabaho. Which is partly true.
Kahit hirap matulog ay pinilit ko pa rin. Nang magising sa alarm ay ramdam ko naman na nadagdagan ang enerhiya ko.
Nag-ayos ako ng sarili. Gusto kong maging presentable sa pagharap sa kliyente. Sinuot ko rin ang napili kong isa sa mga pinakamagandang corporate attires ko.
"Goodluck, dear." nakangiting sabi sakin ni Mama nang magpaalam ako. Kahit si papa na dinaanan ko muna sa kwarto nila ay nagbigay rin sakin ng ngiti bago sinabing kayang-kaya ko raw ito.
May baon tuloy akong ngiti sa pagpasok. Nabura lang ito nang makita ang naka-abang na si Ridge sa may cubicle ko. Naka-krus ang mga braso niya habang tulala.
Nang maramdaman ang paparating na bulto ko ay umayos siya ng tayo. Nilagpasan ko siya at dumiretso sa may lamesa ko.
"Lia.." marahang sabi niya.
Naramdaman ko ang pagsunod niya. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Binaba ko ang mga dala kong gamit.
"Bakit ka biglang umalis? You should have let me drive you home," puno ng lambing ang pagkakasabi niya nito.
Halos kilabutan ako nang makitang may isang empleyado nang nakasilip sa amin. Malayo man ang cubicle ay inaangat nito ang leeg at kyuryosong sumisilip sa amin.
"Ginising mo dapat-" padabog kong kinuha ang mga aayusin ko sa portfolio. Lumabas ako sa cubicle at tumungo sa lounge area.
Ramdam ko ang pagsunod ni Ridge sa bawat yabag ko. Napapatiim-bagang ako. Laking pasasalamat ko nang walang maabutang tao sa pinuntahan. Nilapag ko ang mga gamit sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Beneath What it Seems
RomanceSIS (Social Issue Series) #2: Stereotyping Piercing, Tattoo, Dyed Hair. Usual indications of a badass. Kapag babae ka at meron ka nito ay malamang fuck girl, adik, slut, o wala ka raw patutunguhan sa buhay. Lia Kennedy grew up doing whatever she lik...