Won't stop
Hanggang sa pagbalik sa kwarto ni Kai ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Kahit pa nang makauwi na sa bahay ay tahip-tahip pa rin ang kabog ng dibdib ko. Hindi mawala sakin ang paghaharumentado matapos ang nangyari.
Ang kiliting dulot ng malambot na halik niya sa aking pisngi. Shit. Napapikit ako nang mariin. Alam kong hindi dapat ganito ang nararamdaman ko pero hindi ko mapigilan.
Hindi ako mapakali habang nakahiga sa kama. Panay ang baling ko sa magkabilang gilid habang iniisip ang mga sinabi niya.
Layuan ko raw si Kai? Tingin niya'y pinaglalaruan ko ang kapatid niya? Ganun ba talaga kababa ang tingin niya sakin?
Parang may naramdaman akong saksak sa puso ko dahil sa iniisip. Ang bigat talaga sa pakiramdam pag-ganun ang tingin sayo ng isang taong may mahalagang puwang sa puso mo. Kung ibang tao lang sana na hindi ko naman kakilala ang manghuhusga sa akin ay wala akong ibibigay na pake. Pero ibang usapan na talaga kapag mahalagang tao para sayo ang gumawa noon.
Unti-unting binalot ng hinanakit at poot ang puso ko.
Anong karapatan niya para diktahan ako? Anong karapatan niya para bigyan ng ibang kulay ang bawat galaw ko? Anong karapatan niyang palayuin ako sa kaibigan ko?
Ang sagot ay wala. Wala siyang karapatan.
Hindi ko hahayaang mawalan na naman ako ng kaibigan. Hindi ako makapapayag lalo na kung dahil lang inutos niya. Hindi ako dapat makaramdam ng takot o kaba sa kanya. Hindi ko hahayaang yanigin ako ng mga salita niya.
Gagawin ko kung ano ang gusto ko at wala na siyang pakialam pa roon. Tutal doon naman siya magaling. Paulit-ulit niya namang ginawa sakin iyon noon. Ang hindi ako pansinin at ituring lang na parang hangin. Mamumuhay na lang din ako nang parang walang Ridge Terrence sa paligid.
Kaya naman kinabukasan nang makatanggap ng paanyaya mula kay Kai ay winaksi ko ang ideya ng pangambang maka-ingkwentro siya. Hindi niya makokontrol ang mga desisyon ko sa buhay.
Kaison Troy:
psst 2pm ulit. sunduin kita?
Agad akong nagtipa ng sagot sa kanya.
Lia Kennedy:
wag naaa. see u
Ginugol ko ang umaga ko sa paggawa ng craft products. Unti-unti nang mas nagiging kaaya-aya ang kinakalabasan ng gawa ko kaya natuwa naman ako.
Nang mag-ala una ay nag-ayos na ako. Maaga pa kong natapos kaya't nakapag-cellphone pa ko saglit bilang pampalipas. Nang dumating ang tamang oras ay nagpaalam na ko at lumabas.
Si Kai lang ang sumalubong sakin sa sala nila nang makarating ako at kusa akong napabuga ng maluwag na hininga.
"Wait, I'll get you a pair of indoor slippers first. Malamig ang sahig," sabi niya.
Nanatili ako sa posisyon ko habang tinitignan siyang may nilikuan at nawala na sa paningin ko.
Nilibot ko ang paningin sa mga picture frames sa sala nila. Mayroon doong mga family pictures at graduation pictures.
Bigla akong nakarinig ng mga yabag mula sa hagdan at nahigit ko ang hininga ko.
Pag-angat pa lang ng tingin ko ay mabilis na nagtama ang mata namin ni Ridge. Napahinto siya sa paghakbang.
BINABASA MO ANG
Beneath What it Seems
RomanceSIS (Social Issue Series) #2: Stereotyping Piercing, Tattoo, Dyed Hair. Usual indications of a badass. Kapag babae ka at meron ka nito ay malamang fuck girl, adik, slut, o wala ka raw patutunguhan sa buhay. Lia Kennedy grew up doing whatever she lik...