Kabanata 36

58K 2.3K 666
                                    

Siya yun




Oliver said that he will surely drop by some other time to take me out on a "friendly" date. I just laughingly said okay though I wasn't really sure if I mean it.


Tatlo na lang kaming naiwan sa conference room para iligpit ang mga gamit. Actually ay kaming dalawa lang ng sekretarya ang nage-effort na mag-ayos dahil ang isa'y tahimik na nakamasid lang sa isang gilid at hindi makaimik.


Nauna nang lumabas ang sekretarya kaya't binilisan ko na rin para makasunod. Ayokong maiwan dito nang matagal kasama siya. Dinig ko ang mabibigat na buntong hininga niya.


"Lia..." he softly uttered.


I just rolled my eyes without looking at him. I continued what I'm doing.


"Kumain ka na ba?"


I gritted my teeth. Nang makuha ang kailangan dalhin ay naglakad na ko palabas. Ramdam ko ang pagsunod niya.


"I know you're mad at me. You have every right to be..."  nakalabas na ko sa pinto at patuloy pa rin ang pagsunod niya. "Ayos lang saking hindi mo ko pansinin but please let me atleast buy you a snack-"


"Chance!" lumiwanag ang mukha ko nang makita ang kaibigan na naglalakad.


Napalingon siya sakin at sinalubong ang paglapit ko.


Nginitian ko siya. "Thanks to all your help, we were able to seal the deal! Sagot ko na meryenda mo, tara!"


Gulat pa ang ekspresyon niya nang hinila ko na siya paalis dun. Hindi ko na nilingon ang nakatingin samin na si Ridge na hindi na rin naman humabol. Nakahinga ako nang maluwag. Binitawan ko si Chance.


"Sorry sa paghila." lingon ko sa kanya. "Pero seryoso salamat talaga, Chance. Sorry din di na kita naabutan kagabi."


He smiled warmly at me. "Wala yun.. Congrats sa first project presentation mo, successful agad!"


I chuckled a bit. "Lapag ko lang tong mga gamit sa desk ko tas labas tayo," aya ko sa kanya.


Ngumiti naman siya nang malawak at tumango. Sabay kaming tumungo sa department namin.


Magaan kausap at kasama si Chance kaya madali siyang pakisamahan. Sobrang random lang ng mga pinag-kukwentuhan namin at ang sarap sa pakiramdam na may nakilala akong katulad niya rito sa kabila ng mga nangyayari sakin.


Pagbalik namin sa office ay pinag-aralan ko ang sinend sa akin na schedule ng site visit para sa mismong pagdedesign na ng interior ng rest house sa Tagaytay.


Nang may nalalabi pang oras bago ang out ko ay naisip kong bumuo na ng iba pang designs na maidadagdag sa portfolio. Ang mga nauna ko kasing gawa ay naka-ayon lang sa sinend na sample ng preferred design ng unang kliyente kaya medyo magkakahawig ang mga iyon. Gumawa ako ng mga malalayo naman doon ang tema.


Nang sumapit ang alas-sais ay nagdesisyon na kong magligpit. Nagpaalam pa ko kay Chance nang madaanan ko ang cubicle niya.


Dire-diretso ang pag-alis ko hanggang sa bukana ng building ng kumpanya. Nakita kong mabilis na dumapo ang mata sakin ni Ridge at ngayo'y palapit na siya. Para siyang kanina pa nandun at nag-aabang. Napansin ko rin ang nakahanda niyang sasakyan.


"Hey," he greeted sounding unsure.


Nilagpasan ko siya.


"Lia," naramdaman ko ang marahang pagkapit niya sa braso ko dahilan para mapatigil ako.


Beneath What it SeemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon