Kabanata 18

50.4K 2.4K 515
                                    

Familiar





I didn't let that one confusing moment consume my being.


Tapos na kong mapuyat kakaisip sayo Ridge Terrence. Tantanan mo na ko. Ayoko nang balikan ang kaawa-awang sitwasyong sinapit matapos kong hayaan ang sariling ma-attach sayo gayong wala ka naman palang balak mag-stay sa buhay ko.


Nilunod ko ang sarili sa mga bagay na nagpapasaya sakin. I focused on nurturing my self. I painted a lot at home and would sometimes put make up on myself for fun even though I'm not going out.


One time, I stumbled upon a video on YouTube about doing a craft product. I was so engaged in watching it. Nagsimula akong pag-aralan iyon hanggang sa sinusubukan ko na ring gumawa. Hindi agad maganda ang mga kinakalabasan pero matagal pa naman ang bakasyon kaya't marami pa kong oras para sumubok ulit.




Pag-gising ko isang Sabado ay naisipan kong mag-basketball. Antagal ko nang hindi nabibisita ang court ng subdivision at hindi ko maitatangging namimiss ko nang maglaro.


I sometimes do dribbling and some practice at home pero iba pa rin yung may ring at malawak na espasyong ginagalawan.


Medyo nagulat pa sina Mama at Papa nang magpaalam ako pero agad din namang pumayag.


I was wearing a black racerback and neon green jersey short shorts.


Habang papaliko at nasisilayan na ang open court ay medyo napasimangot ako dahil walang nakitang tao roon pero nang makita ang kabuuan ay natanaw ko ang isang lalaking nagshu-shooting sa isang ring. Napangiti ako dahil nakahanap ng potensiyal na kalaro.


Ang tagal na nung huli akong nakahawak ng bola ng basketball nang may kalaban talaga kaya't hindi ko maiwasang masabik. I missed the adrenaline it gives me.


Hindi pa rin lumilingon ang lalaki. Nang may tamang distansiya na kami ay huminto ako.


"One on one?" aya ko.


Bigla kong na-realize na baka masyadong straightforward ang tanong ko. Noong bata kasi ako ay ganto lang talaga kami magtanungan ng mga kalaro ko kaya nasanay na.


Bumaling siya ng tingin sa akin at tinitigan ako. He then flashed an amused expression. My lips parted at the sight.


It looks awfully.... familiar.


Hindi pa agad siya sumagot at nakaramdam na ko ng panghihinayang. Kung sakaling magsosolo lang ako sa kabilang ring ay sayang naman.


I got distracted when he cockily raised one of his brow.


"Sure ka?" he smirked.


Napanganga ako. Yabang ah!


"Oo," sagot ko naman agad. "Ano tara game na?" sabi ko at tinapatan ang confidence niya.


Nakita ko siyang parang natawa pa. "Show me what you got then," hamon niya.


Naiintindihan kong taon na rin ang lumipas nang huli kong laro sa actual court but I didn't know that I'll get this rusty. Damn! Inis na inis ako sa mga mintis kong tira.


"Ano, yun na 'yon?"


Dagdagan pa ng kupal na kalaro. Hindi ko naman siya magawang asarin dahil magaling siya.


Dinaan ko sa pag-agaw sa kanya ng bola ang inis ko. Mabilis akong nag-drible papalapit sa ring at nang matantsa na ang postura ay agad na binato sa ere ang bola para i-shoot pero hindi pa rin pumasok iyon.


I groaned in frustration. "Wait nga lang muna,"


Rinig ko ang paghalakhak niya.


Sinamaan ko siya ng tingin.


"Kala ko pa naman..." bulong niya pa.


Uminit ang pisngi ko sa inis.



"Hoy, for your information, varsity player ako nung elementary! Matagal lang talaga kong hindi nakapaglaro kaya ganito!" parang pikon na batang sabi ko.


"I was just kidding," mabilis na sabi niya. Hindi na siya humahalakhak ngayon, bagkus ay nakangiti na lang. "Halata naman sa posture mo na marunong ka talaga." dagdag niya pa.


Inirapan ko siya. Sinabihan ko siya na time-out muna para makapag-practice ako ng shooting.


Pinanood niya ako habang nag-eensayo. Siya na rin ang nag-aabot ng bolang ibinabato ko.



"Try mong mas iganito yung wrist mo," turo niya maya-maya at dinemo sakin ang ibig niyang sabihin. "Imbes na ganto lang yung hawak." sabi niya at pinakita pa ulit ang tinutukoy.


Tumango ako at sinubukan iyon.


Naka-ilang attempts pa 'ko bago naging tuloy-tuloy ang pag-shoot.


"Oh, panis!" pagmamayabang ko sa kaniya habang nag-shu-shoot pa rin.


I looked at him sideways and caught him with that same amused expression.


Again, I find it awfully familiar.


Nadistract tuloy ako at namintis na.


"Oh, panis?" he said mimicking my voice to tease me.


Sa inis ay binato ko siya ng bola na nasambot niya lang naman at tinawanan.




Nag one on one na ulit kami at hindi na ko kulelat tulad kanina pero siya pa rin ang nanalo. Nevertheless, satisfied at masaya ako sa kinalabasan ng laro ko.


Hingal na hingal ako habang nagpupunas ng pawis. Ang sarap sa pakiramdam na makapag-basketball ulit. Yung feeling tuwing na-shushoot yung bola, priceless! I want to do this again.


"Ano palang pangalan mo?" tanong ko pagkatapos uminom ng tubig.


"Kaison," he said. "Pero Kai na lang."


Tumango ako.


"Hindi mo 'ko tatanungin?" sabi ko nang matapos maghintay ay hindi pa rin niya hiningi ang akin.


"Bala ka jan," he laughingly said then drink his water.


I threw him a death glare. Pabiro kong inambang ibabato sa kaniya ang bola.


"Joke lang! Ano ba pangalan mo?" parang napipilitang pang tanong niya.


Umirap ako. "Lia Kennedy. Lia na lang."


"Lia Kennedy? Ah sige, Ken." sabi niya.


Nanlaki ang mata ko. "Bat Ken? Lia nga!"


Tamad niyang pinulot ang bola niya. "Wala lang, mas bagay sayo Ken. Parang mas brusko ka pa sakin eh." humahalakhak na sabi niya.


Inis na binato ko ulit siya ng bola. Ni hindi ko siya matamaan dahil nasasalo niya lang lagi.


Hanggang palabas ng court ay natatawa pa rin siya at nang-aasar. Panay na lang ang irap ko sa kanya.


"Bukas ulit?" aya ko.


Nakita kong natigilan siya. Nabitin sa ere ang halakhak niya.


He slowly nodded in agreement. "Bukas."


An amused expression was plastered on his face.


The same amused expression that reminds me of someone.


That. freaking. cursed. expression.




Beneath What it SeemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon