"So, we are married?"
"Engaged lang," pagtatama sa kanya ng kasama.
"Okay. Engaged for three months?" Tanong niyang muli habang nasa kalagitnaan sila ng EDSA at naiipit sa traffic.
"Three months na nagkakabalikan at two weeks na engage pa lang."
Gusto niyang matawa pero pinigilan niya ang sarili. Tumango siya at binaling ang tingin sa mga nakatigil na sasakyan sa unahan nila.
It was the summer of the year 2020. Habang abala ang lahat sa kani-kanilang buhay at plano para sa summer, heto siya at nagpapanggap na fiancé ng dating kasintahan. Siya pa lang kasi ang naipakikilala nito sa pamilya na sa Laguna pa nakatira. Hindi rin naniniwala ang pamilya nito na matagal na silang hiwalay na dalawa, especially his grandparents who loves her so much. Sa sobrang boto nga ng mga ito sa kanya ay muntik na siyang maikasal two years ago. But they broke up after that. She was not ready to settle down at that time. Ngayon hindi niya alam. She's just enjoying her life. Ayaw niyang pinangungunahan.
But how did she end up in this situation?
Because his offer was tempting, sagot niya sa sarili. Ngunit alam naman niyang may iba pang dahilan.
She was the safest choice for him. May pinagsamahan naman silang dalawa kaya pumayag na rin siya. Besides, she missed his grandparents the most. Patay na kasi ang Lolo at Lola niya na nagpalaki sa kanya. Her father died when she was four. Her mother on the other hand, is in another country, and was already married. Kaya mag-isa na lang siya dito sa Pilipinas. May mga kamag-anak man ngunit nasa probinsya at hindi siya malapit sa mga iyon.
Nilingon niyang muli ang katabi at ngumuso. "Grant," tawag niya rito.
"Hmm..." was all he answered. Tamad na nilingon siya nito.
"Paano kung maulit ang nangyari two years ago?" Kyuryosong tanong niya. She wanted to know his answer.
Kumunot ang noo nito kaya agad na sinundan niya ang naunang sinabi.
"E, di ba, ngayon engaged na tayo," she gave emphasis to the word. "What if they get the wrong idea and forced us to wed?"
He stared at her for a long while. Bahagyang umusad ang mga sasakyan kaya nabalik ang tingin nito sa kalsada. "You can always say no, Dani."
"Huh?" Tila hindi niya nakuha kung ano ang ibig nitong sabihin.
Bumaling ito sa kanya. "Just say no, like you did two years ago." Seryosong saad nito. "I am not ready to settle down also. I don't think I'll ever be ready."
"Right," hilaw na ngumiti siya at nag-iwas ng tingin. "We're just pretending."
"Precisely..." tamad na sagot nito.
But she knew in her hearts of heart, she only want to marry one person. And that's him, Grant Xavier Montealto.
BINABASA MO ANG
30 Days With You (RitKen Fanfiction)
FanfictionDani is still in love with his ex-boyfriend, Grant. Kaya nang yayain siya nito na magpanggap bilang fiancé ay pumayag na siya. In 30 days, she promised herself that she'll be happy. Na gagawin niya ang lahat ng mga bagay na magkasama silang dalawa...