10

731 30 2
                                    

DANI stayed inside her room after calling Ara. Hindi niya naman kasi alam kung dapat ba siyang lumabas. Wala rin siyang lakas para gawin iyon. The only person that made her go out of her room was Lola Miguela. Ipinatawag siya nito kaya napilitan siyang bumaba.

She readied her smile to the old woman. Sa tabi nito ay si Lolo Marcos, na agad siyang napansin pababa pa lamang ng hagdan. The two rarely go out of their room. Madalas na nagpapahinga na lamang.

"Dani, halika rito." Tinapik ni Lola Miguela ang bakanteng puwesto sa tabi nito.

She obliged after giving them both respect. Hinaplos agad ng matanda ang buhok niya at tinitigan siya. She smiled back at the old woman. Medyo nawi-wirduhan kung bakit ganoon ang tungo nito sa kanya.

"Bakit po, Lola?" Lakas loob na tanong niya.

"Gusto kong magsabi ka sa akin ng totoo, hija. Si Grant, hindi iyon aamin kahit na mahuli ko. Ikaw, alam kong hindi ka magsisinungaling sa akin, Dani."

Agad na kinabahan siya sa sinabi ng matanda. Lolo Marcos, on the other hand, was quiet and serious. Nakatingin din ito sa kanya.

Did they already know that they're only pretending? Na hindi naman talaga sila nagkabalikang dalawa. That this is all for show? And even what happened last night may be a part of it?

Ilang ulit na napalunok siya at nangilid ang mga luha. Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ng matanda. Iyong yakap na mainit at may halong pagmamahal. Napatingin siya kay Lolo Marcos at malamyos ang ngiti nito sa kanya.

"Alam kong nagpapanggap lamang kayo ngunit nakikita ko sa mga mata mong mahal mo si Grant," Lola Miguela said after letting her go. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya at tinitigan ang singsing na suot niya.

"This ring is an heirloom, Dani. Hindi ito ibibigay sa'yo ng apo ko kung hindi siya sigurado. Kaya kung anuman ang maririnig mo sa ibang tao sa paligid, sana mas paniwalaan mo siya. Sana mas matibay na iyang puso mong nagmamahal sa kanya. Sana ngayon magawa mo siyang ipaglaban sa lahat." Tumulo ang luha mula sa mga mata nito.

Lolo Marcos immediately took Lola Miguela in his arms. "Pasensya ka na, Dani," Lolo Marcos slowly carressed Lola Miguela's back. "Kung darating ang araw na masasaktan ka ng apo namin, sana hindi mo siya iwan. Sana manatili ka pa rin sa tabi niya." Saad ng matanda. "Walang perpektong tao at walang pekpektong pagmamahal. Minsan nabubulagan tayo ng galit at sakit. Minsan hindi natin napapansin na dahil sa sakit na nararamdaman natin, nakagagawa tayo ng kamalian sa ibang tao." Bumuntong hininga ito.

She fell silent. Hindi alam kung ano ang sasabihin. Ni hindi niya magawang mangako. Siguro dapat na rin niyang sabihin ang totoo sa dalawa. Para kung sakali mang kailanganin niyang umalis, maiintindihan ng mga ito.

Tumayo siya sa kinauupuan bago lumuhod sa harap ng dalawang matanda. She smiled at them though tears started to flow down her own eyes. She couldn't even hide the pain she's feeling right now.

"Lola, Lolo," she looked at them like she was really her kin. "Gusto ko pong sabihin sa inyo ang lahat. Ayokong itago ito dahil ang hirap-hirap na po. What happened two years ago was my fault. I left. Ako po ang nang-iwan at walang ginawa si Grant. I got scared at the mention of marriage. I wasn't ready then. I'm sorry for hurting your grandson." She cried in front of them.

Nakikinig lamang ang dalawa sa kanya. Hinihintay siguro na matapos siya. Nanginginig na ang balikat niya dahil sa pag-iyak.

"Pinagsisihan ko po lahat ng ginawa ko noon. I wanted to get back to him but I was a coward to even try. Baka kasi hindi na niya ako mahal. So I stayed away. It was so hard to live by my decision. I lost someone who loves me so much." Humikbi siya at kumawala ang malakas na iyak. She didn't know how to stop herself from crying.

30 Days With You (RitKen Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon