DANI was the first one to get out of the car. Agad na nag-inat siya ng katawan. Four hours is a quite a long drive. Lalo na't walang balak na magpahinga kahit kaunti iyong driver niya. Sinilip niya ito. Grant looked serious. Kunot ang noong nakatingin din sa view. She smiled and looked at the view again.
Ang tagal na pala mula noong nakasama niya ito at nakausap. Umiwas na kasi ito sa kanya matapos ang nangyari two years ago. Maybe it was his way to heal, kaya hinayaan na lang niya. Wala rin naman siyang karapatan na sabihan itong mag-stay dahil hiwalay na rin naman sila noon. She was a coward back then and she is still right now.
Huminga siya nang malalim. Matagal din naman niyang pinag-isipan ang tungkol dito. Hindi siya basta-basta um-oo na lang. She also need to check on herself first, kung kakayanin pa ba niya. It's just a month with him. Pinagbibigyan din naman niya ang sarili niya. Aside sa offer nito, there's another reason why she agreed to this setup. To spend time with him.
"Dani, let's go."
Lumingon siya at nakitang hinihintay na siya nito. Hindi pa rin nawawala ang kunot ng noo. They were civil alright, but he's too cold. Kaya nga hindi niya alam kung magiging matagumpay ba itong pagpapanggap nila o hindi.
She shrugged. Bahala na. It wasn't her problem anymore. At least, kahit papaano, matulungan niya man lang ito. It was her way of saying sorry and thank you. Kahit sa huling pagkakataon na lang. After this, she will try to avoid him so she can't inflict more pain in him.
"Yeah, coming." Nakangiting lumapit siya papunta rito. Dala na nito ang mga gamit nila. Isang shoulder bag na lang ang laging dala niya dahil naroroon ang lahat ng kailangan niya.
"Nothing's changed, huh." Puna niya habang nakatingin sa mansyon.
She heard him sigh. Nilingon niya ito. Hindi na niya ma-describe ang hitsura ni Grant. Nailing na lang siya. Hindi talaga ito sanay sa ganoon. He was known to be honest. Kaya nga nagtaka siya kung bakit ginusto nito ang ganitong setup.
"Kinakabahan ka ba?" Natatawang tanong niya. Hindi ito sumagot kaya't nagpatuloy siya. "Just chill, okay?" She tapped his shoulder. Nilampasan niya ito at nauna ng pumasok sa lumang mansyon ng mga Montealto.
When she went inside, doon niya nakumpirma na tama siya. Hindi nga nagbago ang ayos ng buong mansyon. It's still the same in her memories. Ganoong-ganoon pa rin.
She smiled while looking as the painting. Family portrait iyon ng buong Montealto. Grant was still a child. Ngiting-ngiti ito at labas ang mga ngipin. He must be around seven at the painting. Sa ilalim ng painting ay ang totoong larawan niyon. It was framed, nakapatong sa ibabaw ng lumang piano katabi ang iba pang mga larawan.
Ilang maids ang bumati sa kanilang dalawa ni Grant. Manang Soleng just nodded, marahil ay abala sa kusina at kung ano pang dapat na gawin sa buong mansyon.
Natutuwang pinagmasdan niya ang mga larawan sa frame. The little Grant were all smiles. Hindi katulad ng Grant ngayon na laging seryoso at kunot ang mga noo. She lifted one frame and stared at it. Nangingiting ibinalik niya iyon sa lagayan.
"Ate Dani!" someone screamed from behind. Napalingon siya at sinalubong ng mahigpit na yakap ni Yuka, ang bunsong kapatid ni Grant.
"Lola! Lolo! Nandito na sina Ate Dani!" Excited na saad nito at hindi binibitawan ang kamay niya.
She laughed. Nilingon niya si Grant na kunot noong nakatingin sa kapatid.
"Hoy, Yuka. Ako ang kapatid mo." Sambit nito nang hindi man lang tinapunan ng pansin ng kapatid.
"Alam ko, Kuya. Pero mas na-miss ko si Ate Dani 'no." Lumabi pa si Yuka, pero sa huli ay binitawan din siya para yumakap sa kapatid. Agad na bumalik sa tabi niya ito.
BINABASA MO ANG
30 Days With You (RitKen Fanfiction)
FanfictionDani is still in love with his ex-boyfriend, Grant. Kaya nang yayain siya nito na magpanggap bilang fiancé ay pumayag na siya. In 30 days, she promised herself that she'll be happy. Na gagawin niya ang lahat ng mga bagay na magkasama silang dalawa...