24

616 36 7
                                    

DANI doesn't want to leave Xavi for work. Ito ata 'yung pinaka-matagal na maghihiwalay silang dalawa ng anak. It's only a week but he's already missing him badly.

She sighed as her make up was almost done. Quent was sitting on a sofa in one corner. Abala sa phone nito. He's been talking to a lot of person recently, maybe about work.

"May problema ka ba, Miss Dani?" Tanong ng baklang make up artist.

Umiling siya at ngumiti. "Wala. It's nothing."

"Ang ganda-ganda mo. I'm glad to have this chance to do your make up, Mamsh."

"What's your name?" She asked politely.

Halatang nagulat ito. "Karla, Mamsh."

"Thank you for making me pretty today, Karla. Ikaw na lagi ang mag-make up sa akin ha?" She smiled.

Karla smiled at her genuinely. Marami itong kuwento tungkol sa mga celebrities na na-make up-an na nito. Matagal na rin daw kasi siyang make up artist. But not she has a contract with Grant's company. Kaya hindi na niya problema ang income.

"He was a good leader, mamsh. Never niya kaming pinabayaan." Kuwento pa nito.

Ayaw sana niyang makinig pero hindi naman niya ito mapigilan. Hindi niya masabihan na wala siyang pakialam. Baka kung ano pa ang isipin nito sa kanya.

"Wala kaming problema kay Sir Grant. Iyong secretary niya talaga ang problema. Grabe makalingkis. Akala mo pag-aari niya si Sir." Umiirap pa ito habang nagku-kuwento.

She raised a brow. Pinipigilan ang sarili na magkomento sa sinabi nito. Not that she's interested in anyway. Wala naman siyang pakialam tungkol sa bagay na iyon. Sadyang madaldal lang talaga itong si Karla. Well, she doesn't mind. She can use those informations to her advantage.

"Ewan ko ba bakit ba hindi nagpapalit ng secretary si Sir kahit ang dami ng reklamo sa babaeng 'yon." Umirap pa ito at nanlaki ang mga mata.

"Baka kasi may relasyon talaga sila." She commented.

"Nako, mamsh, malabong mangyari 'yon! Siya lang itong humo-hopia kay Sir, ano. Feeling 'yong gagang 'yon. Lagi ngang binabara ni Miss Yuka." Tumawa ito ng malakas. "Kaya gusto ko 'yon si Miss Yuka, e. You know, we hate feeling entitled women."

She shrugged her shoulders. Tikom pa rin ang bibig niya. Mas nawiwili na lang siyang makinig sa mga kuwento nito. She can use those to that woman. Hindi naman pala ito girlfriend pero kung makaasta akala mo kung sino. She really wonder what happened to them. At kung bakit ganito na lang magsalita si Karla sa babaeng iyon.

"Akala mo kasi kung sino talaga siya, mamsh. Ewan ko na talaga kay Sir Grant."

"We don't know anything about them. Malay mo they're into each other." She said and looked at Karla in the mirror.

Umingos nito. "Wala talaga, mamsh! As in. Ni hindi nga 'yon tinitingnan man lang ni Sir, e. Siya lang itong mapilit."

"We know nothing about them. We can't judge. Malay mo kaya ganoon siya umasta kasi may something talaga. And why does your Boss doesn't fire her for overreacting? Baka mahal talaga." Pagpapaintindi niya.

Natigilan si Karla. Matapos ang ilang segundo ay sumimangot ito. "No pa rin, mamsh. Ayaw tanggapin ng utak ko."

Natawa na lamang siya at umiling. Hanggang sa matapos na siya nitong ayusan ay nanatili siyang tahimik. Karla went to the other stylist. Hindi lang naman kasi siya ang may shoot. May iba ring artista doon na kasabay niya. They even greeted her and talked to her an hour ago. Nauna na ang mga itong kuhanan dahil mas maaga naman ang call time ng mga ito kaysa sa kanya.

30 Days With You (RitKen Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon