07

732 34 5
                                    

DANI woke up in a bad mood the next day. Kaya lang ay hindi siya makareklamo. Tho they slept on the same bed but Grant didn't touch even her fingers. Kulang na nga lang ay sa sahig na ito matulog para lang makaiwas sa kanya.

She was a tease but he knows how to restrain her. Kaya inis na inis siya rito at hindi ito pinansin. Wala namang pakialam ang binata sa kanya dahil naging abala ito sa cellphone para magcheck ng mga emails.

The only good thing last night was Yuka's presence. They kept on talking until they both fell asleep. Nagising na nga lang siya kanina na wala na ang magkapatid sa tabi niya. They are always up early but they never really disturb her sleep.

She's already freshen up. Tiningnan ang phone kung may mensahe galing kay Ara. Tinatanong lang nito kung okay daw ba siya. Maybe she'll talk to her later. Iku-kuwento niya rin dito ang pinag-usapan nila ni Grant.

She opened her Skype to see if her Mom's online. Ni hindi pa nga rin nito nabasa man lang ang huling message niya. She didn't even know how to tell her mother about her cancer. They weren't that close. Parang ang layo talaga ng loob nito sa kanya mula pa noong bata siya at hindi niya alam kung bakit. Kahit noong umuwi ito noong namatay ang dalawang matanda ay halos hindi siya nito kinakausap. She got tired of getting her mother's attention when she clearly weren't interested with her. Bumuntong hininga na lang siya at nginitian ang sarili sa salamin.

Alas nueve y media na noong bumaba siya. Medyo gutom na rin siya. Katulong lang ang naabutan niya sa kusina.

"Si Grant po, Manang?" tanong niya nang pagsilbihan siya nito ng pagkain sa dining. Kahit na sinasabi niyang siya na lang ang bahala ay hindi nakinig sa kanya ang matanda.

Manang Soleng looked at her indifferently. Alam naman niya na hindi talaga ito ka-close pero may kakaiba sa tingin nito noong mga sandaling iyon.

"May binili lang kasama si Yuka," sagot nito at matagal na tumitig sa kanya.

"Bakit po?" Hindi na nakatiis na tanong niya.

Bumuntong hininga ang matanda at malungkot na ngumiti. "Sana ngayon wala ka ng balak na iwan si Grant, Dani."

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Walang ibang tao roon maliban sa kanilang dalawa. Inutusan nito ang ibang katulong na maglinis ng mansyon kaya sila lamang ang naiwan doon.

"Manang..." naiiyak na saad niya.

"Alam kong mahal mo siya pero Dani, mas mahal na mahal ka niya. Ilang gabi siyang lihim na naglasing noon at ako lang ang nakakita. Sirang-sira siya noong mga panahon na 'yon. Sana ngayon, hindi na maulit ang nangyari noon." Pinunasan nito ang luha sa gilid ng mga mata.

Napatungo siya at hindi alam kung ano ang sasabihin. All that she can utter were words to apologize. Wala naman kasing tamang salita.

"Sana, Dani, ngayon hindi mo na siya iiwan."

She was left alone at the dining. Ni hindi niya magawang nguyain ang pagkain. Paulit-ulit niyang naiisip ang sinabi ni Manang Soleng sa kanya. She has done a lot of damage to Grant and yet she was accepted here wholeheartedly. Si Manang Soleng lang ang may lakas loob na sabihan siya niyon. Maybe because the old woman truly cares for Grant. Tapos ay nakikita siya nitong bilang isang taong may kakayahang saktan ang binata.

She couldn't blame Manang Soleng for thinking that way. Alam naman niya na gusto lang ng matanda na maging masaya si Grant. Ganoon din naman ang gusto niyang mangyari, ang maging masaya ito. Kaya nga buong-buo na ang desisyon niya. But she will have to wait for a few weeks for it. Saka na lang niya sasabihin ang lahat ng gusto niyang mangyari. Sa ngayon, mag-e-enjoy na muna siya kasama si Grant at ang pamilya nito.

30 Days With You (RitKen Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon