DANI fell asleep on the sofa waiting for Grant. Naalimpungatan lang siya noong umangat ang katawan niya mula sa sofa. Bahagya na lang niyang iminulat ang mga mata para lang alamin kung si Grant ba talaga iyon.
She felt at ease when she saw his face. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito dahil antok na antok talaga siya. Siguro dahil na rin sa maaga siyang nagising. She felt a bit tired too. Nasabi naman sa kanya ng doktor na isa yon sa sintomas ng sakit niya. That she would feel tired all of a sudden. And from time to time, it happens.
Naramdaman niya ang malambot na kama. She was too tired and sleepy to even open her eyes. Basta naamoy niya ang pabango ni Grant. She was the one who chose that scent for him. Hindi niya alam na hanggang ngayon ay iyon pa rin ang ginagamit nito.
She felt the comforter on her body and then felt his hug. Umayos siya ng higa at mas isiniksik pa sa binata ang kanyang katawan.
"I love you so much, Dani." He whispered and kissed her temple.
She smiled and dozed off after a while.
She had a good sleep. Hapon na noong magising siya. Agad na naramdaman niya ang mga brasong nakayakap sa kanya. Grant was still sleeping soundlessly beside her. Mahigpit ang yakap nito na tila ayaw siyang pakawalan.
She smiled while staring at his face. She traced his brows down to his pointy nose. She stared at his lips for a while before giving it a peck. Noong hindi siya nakuntento ay hinalikan niya ito nang mas malalim.
She felt his lips move. Nanlaki ang mga mata niya nang gumanti ito at naging mas mapusok pa ang halik na ibinibigay sa kanya. She closed her eyes and welcomed his kisses. It was fiery and hot. Too hot that they both ended up panting and catching their breaths.
Ngumiti ito sa kanya at hinalikan ang tungki ng kanyang ilong. He embraced her. Pareho pa rin nilang habul-habol ang paghinga. Isiniksik niya ang mukha sa dibdib nito at ipinikit ang mga mata.
"We didn't had lunch," saad nito maya-maya.
Nakalimutan na rin niya ang tungkol doon. Pakiramdam niya ay pagod pa rin siya at masakit ang katawan. Walang ganang kumain. Gusto na lang niyang mahiga at matulog kasama ang binata.
"Are you hot?"
She laughed. Akala niya kung ano'ng tinatanong nito. Nagulat siya nang maramdaman ang kamay nito sa noo niya. She opened her eyes and met his worried gaze on her. Bumangon ito at naupo sa ibabaw ng kama bago muling sinapo ang noo niya.
"You have fever again." Nag-aalalang saad nito. "Lagi ba 'yang nangyayari sa'yo?"
She shook her head. Unlike last time, mas magaan ang pakiramdam niya ngayon. "No. Kapag napapagod lang ng husto. Sometimes because of stress too. Its normal." She shrugged it off.
"Normal?" Tumaas ang tono ng boses nito. "Well for me it isn't normal, Dani." Tumayo ito at lumabas ng kwarto.
Bumangon na rin siya at naupo sa ibabaw ng kama. Isinandal niya ang katawan sa headboard. If this was because of last night, she didn't regret getting fever for it. At nasanay na siya na laging nagkakaroon ng lagnat. Minsan nga hindi na lang niya iniinda.
She waited for Grant to come back. Nagulat siya nang makitang nurse na nina Lola Miguela ang kasama nito. Yuka was with him.
Si Yuka ang naunang lumapit sa kanya. She crawled to her side. Nginitian niya ito. Yuka smiled to her then checked her forehead if it's hot.
"You're burning!" malakas na turan nito.
Natawa na lang siya rito. The nurse checked on her. Hinayaan na lang niya kung ano ang gustong gawin ng mga tao sa paligid niya. Pagod lang siya pero kung umakto ang mga ito ay tila malala ang sakit niya. Well, maybe because of her Leukemia. But she would surely see another doctor for a second opinion.
BINABASA MO ANG
30 Days With You (RitKen Fanfiction)
FanfictionDani is still in love with his ex-boyfriend, Grant. Kaya nang yayain siya nito na magpanggap bilang fiancé ay pumayag na siya. In 30 days, she promised herself that she'll be happy. Na gagawin niya ang lahat ng mga bagay na magkasama silang dalawa...