THEY WENT downstairs together. Ayaw pa nga ni Grant. He just want to cuddle. She didn't know why he's being so clingy. Ilang pilitan pa ang nangyari bago ito pumayag. Ni hindi nga ito natitinag kahit na sabihin niyang hinihintay ito ng best friend nito. He would just rolled his eyes on her. So she just bribed him with something that she knew he couldn't resist.
"Mamaya ka sa'kin," he whispered. Inakbayan siya nito at dumiretso na sila sa dining.
Everyone was already seated. Sila na lang nga ang hinihintay. Only that her chair was already occupied.
"Breakfast na!" Magiliw na saad ng nag-iisang babaeng hindi pamilyar sa kanya. Ni hindi nga siya tinapunan ng tingin nito. Her eyes were focused on Grant.
"Tin, diyan si Dani sa puwesto mo." Halata ang iritasyon sa boses ng binata.
Noon lang siya tila napansin ng babae. Tiningnan siya nito at binigyan siya ng isang hilaw na ngiti. She couldn't smile back. At bakit niya naman gagawin iyon kung ngayon pa lang ay pinapakitaan na siya nito ng pagiging bitchesa?
Whoever said she'll back down? No. She knows how to fight.
"Sinabi ko na sa kanya, Kuya, pero pinilit niya pa ring diyan maupo. Hilig isiksik ang sarili sa wala naman siyang lugar." Yuka said that.
Napailing na lang siya. Matabil talaga ang dila nito at hindi napipigilan ang paglabas ng mga salita sa bibig. Minsan nga siya na lang ang nahihiya. Ngunit ng mga sandling iyon, she felt proud of Yuka. Nasabi kasi nito ang gusto niyang sabihin.
"Doon ka na," binalingan niya si Grant. Kumunot ang noo nito sa kanya. "Sa tabi na lang ako ni Yuka." She smiled at him.
But knowing Grant, he's as stubborn as Yuka. Hindi ito papayag sa gusto niyang mangyari. Sa pagkunot pa lamang ng noo nito, alam na niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.
"No," he said firmly.
She was about to say something when he walked pass by her. Naupo ito sa hilera ng kinauupuan ni Yuka. May bakanteng puwesto itong iniwan. Iminuwestra nito iyon sa kanya.
Napailing na lang siya at sumunod sa gusto nitong mangyari. He asked the maid to give him another plate. Lola Miguela smiled at them. Wala ni isang nagreklamo pero isang nakasimangot.
"Ang laking epal naman kasi." Umingos si Yuka bago ipinagpatuloy ang pagkain. Napagalitan pa ito dahil sa mga sinabi.
She ate quietly. Grant was the one who asked a lot about their family business here. Ang mga magulang nito ang nagma-manage. May alam rin naman ito sa pamamalakad ng hacienda nila ngunit mas pinili nitong makipagsapalaran sa Maynila. And with his hardwork, he truly deserve the respect that everyone's giving him in the industry. He made his own name. He's a reputable man. Kaya nga hindi niya maisip na gagantihan siya nito. What for? One mistake could ruin his own name. Will he really risk it just so he could take his revenge on her? She highly doubt that.
"Eat well," nagdagdag pa ito ng kain at ulam sa plato niya.
"I'm already full," bulong niya.
"Ubusin mo na lang 'yan." He smiled at her.
Thankfully their breakfast didn't end up in chaos. Si Yuka lang talaga ang nagpaparinig. Sa tuwina ay napapansin niya ang pagtingin sa kanya ng best friend ni Grant. Hindi na lang niya ito pinapansin pati na ang pag-irap nito sa kanya. She didn't do anything bad to her for her to act that way.
They were in the veranda. Gusto nga sana niyang maglakad-lakad na muna ngunit mas gusto ng binata na naroroon siya sa tabi nito. May mga tinatapos pa kasi itong tawag at ilan pang meetings. She overheard him saying that he wouldn't be available for the next three days. Napatingin pa ito sa kanya dahil doon.
BINABASA MO ANG
30 Days With You (RitKen Fanfiction)
FanfictionDani is still in love with his ex-boyfriend, Grant. Kaya nang yayain siya nito na magpanggap bilang fiancé ay pumayag na siya. In 30 days, she promised herself that she'll be happy. Na gagawin niya ang lahat ng mga bagay na magkasama silang dalawa...