#LWTEP01
I had a very, very, very tiring day! Sobrang epal ng prof ko sa History.
Kinuha ko mula sa bag ko ang susi ng condo at sumalampak na agad sa couch. Tinaas ko sa arm rest ang binti ko habang tinatanggal ang sapatos ko at padabog na hinahagis na lang iyon kung saan.
"Ouch," napalingon ako sa nagsalita.
Si Bea lang pala.
"Nandito ka na?" Tanong ko at sumandal habang hinihilot ang ulo ko.
"Hindi, sis! Aparisyon lang 'tong nakikita mo." Sarkastiko niyang sagot pero hindi ko na lang siya pinansin. Ang sakit talaga ng ulo ko! Parang binibiyak sa dalawa?
Hinawi niya ang paa ko sa arm rest kaya dumulas ako sa sofa at nahulog sa sahig!
"Gago ka," sabi ko habang hinihimas 'yung paa ko na tumama pa sa kanto ng coffee table namin.
Bumukas naman ang pinto ng kwarto at lumabas doon si Alleah.
"Happy birthday, Al! Saan tayo mamaya?" Masaya kong tanong. For sure nirentahan na naman nito 'yung malaking club sa BGC dahil birthday niya.
Tumabi siya sa akin at niyakap ako ng patagilid.
"Sorry hindi ko nirentahan 'yung club sa BGC," natatawa niyang sabi habang nawala naman ang ngiti sa labi ko.
"Celina 'yung phone mo kanina pa ring ng ring, ano ba yan!" Kinuha ko naman ang phone ko sa bag at nakitang tumatawag si Thea, 'yung groupmate ko sa Philo research paper.
"Are you done with your part na?" Maarte niyang bungad sa akin pagkasagot ko ng tawag niya.
"Aba, oo! Sinend ko na sa e-mail mo 'yung gdocs, hindi mo ba nareceive?" Napairap na lang ako. Ako kaya ang unang-unang nakatapos ng assigned part sa akin dahil wala naman silang ginagawa tuwing nagmemeet up kami para gawin ang research paper.
"Really? Wait! Lemme just check... Oh, it's here na nga!" She chuckled. "Okay, thank you! Ako na magsesend ng sir."
"Dapat lang no! Halos ako na nga ang gumawa ng buong introduction, ano gusto mong gawin ko?" Galit kong sabi at binaba na ang tawag.
"Stressed ka girl?" Natatawang tanong ni Bea.
"Obvious ba?" Sarkastiko ko ding sagot. Hinila niya ng mahina ang buhok ko at umirap kaya hinampas ko ang hita niya.
"Stop it, girls ano ba!" Hinila ako ni Alleah palayo kay Bea. "Anyway, sa Pop Up na lang us later."
"Huh? Bakit? Ayaw ko don linggo-linggo na lang kaya may nag-aayaw doon."
"Gusto ka ba nila doon?" Seryosong tanong ni Bea habang hindi inaalis ang tingin doon sa Netflix series na pinapanood niya.
"Tinatanong ko ba opinyon mo, tsk!" Inis kong sabi. "Alleah, paalisin mo na nga 'yan dito sa condo mo."
Condo kasi talaga ito ni Alleah. Boarders lang kami ni Bea dahil ang sabi ni Alleah, sobrang laki daw ng space na 'to para sa sarili niya at ayaw niyang maging loner kaya pinalipat na niya kaming dalawa. At tutal sa UP naman kami pareho ni Bea, pumayag na kami at nakikihati na lang kami sa mga bills at iba pang gastusin para sa condo.
Malaki naman 'tong unit ni Alleah. May second floor at may tig-isa pa kaming sariling kwarto ni Bea. Rich kid kasi si ate mo Alleah!
"Ikaw nga ang dapat paalisin. Tignan mo 'yang mga papel mo kung saan-saan na lang nakakalat. Hindi ka naman marunong maglipit." Inikot ko ang tingin sa buong unit. Napangisi ko ng makita ang sitwasyon ng buong unit. Sobrang daming kalat at punong-puno ng mga papel.
BINABASA MO ANG
Leaving Was the Easy Part (Millennia Series #1)
Romance(Millennia Series #1) Lilianna Celina Rios did not ask to get stuck in the middle of this mess. Her life as an Iskolar ng Bayan is more than enough for her but to meet a friend whom she'll love is entirely apart. But you don't get to have all the go...