11

65 4 0
                                    

#LWTEP11

It's been three days since I've been discharged from the hospital. Hindi pa rin ako pumapasok physically pero nagpapasa ako ng requirements online. I was advised to continue with this set-up hanggang sa umayos na ang resistensya ko.

Sa mansyon ako ngayon tumutuloy. Ayon sa abiso at kahilingan ni mommy. Para daw mas matutukan niya ang pag-aalaga sa akin.

Hindi ako sigurado kung kailan ako makakabalik sa condo pero hopefully it's sooner than later. Hindi nga ako sigurado kung makababalik pa ako doon.

I opened my messages to see an update but there was none. Sa gc lang namin ang mayroon.

Erin:
hey hey hey !! wag mawawala bukas

My hand flew on my mouth. Nawala sa isip ko ang birthday ni Erin dahil sa dami ng nangyari.

Mariz:
Yass!

Bea:
shit may date ako!

Erin:
grr, h8 you na. bye!

Erin:
@celina issokay if 'di ka makakapunta :)
take a rest na lang, oki?
pero 'yung sinadyang mag-set ng date kahit birthday ko, F.O. na kami

Natawa ako sa message niya. I kind of feel bad about it. Sa loob ng halos sampung taon, ngayon ko lang mamimiss ang birthday niya. O 'di ba nakakasama ng loob?

Celina:
i'll buy u a gift na lang :( sorryyyyyy

Erin:
don't be :< ur health is more important
magbbirthday pa ako next year 'no!

Hindi na ako nagreply. I didn't want to put more guilt on me.

"Could you catch up with school? I-" dad asked while we were having dinner.

"Arthur..." mom said calmly.

He dropped his utensils and wiped the sides of this mouth.

"What? Maybe I could help her, that's all. If she's having a hard time catching up, I could talk to her professors that I know... or you know, I'm connected with."

Bumaling silang lahat sa akin at naghintay ng sagot.

"Umm, y-yeah? E-Everything's.... everything's fine, d-dad. Kaya ko po," I stuttered.

"See? Do not pressure her anymore. Makakahabol si Celina, I'm sure of that," mom held my hand and squeezed it.

I smiled in reply.

We continued eating as the tension subsided. Humanap din ako ng magandang pagkataon para makapagpaalam.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila. Una namang bumaling si Ely.

"What's wrong?" si mommy.

Dad gives me a surveying look.

Binaba ko ang kubyertos. "I-I'd go out tomorrow..."

Kunot-noo akong tinignan ni mommy.

"Again, what?"

"I'd go out tomorrow," I repeated in a much lower voice.

"You're not asking for permission; you're stating it," dad leaned against his chair.

"Uh..."

"But, anak, it's not yet safe for you to go out." Nasa akin ang buong atensyon ng lahat.

"I-I'll buy Erin a present," pilit ko pa.

Nasamid si Ely sa pagkain niya.

"Hindi ba pwedeng next time na lang kapag talagang okay ka na?"

Leaving Was the Easy Part (Millennia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon