04

125 3 2
                                    

#LWTEP04

Pinaningkitan ko siya ng mata nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya.

"Don't look at me like that," seryoso niyang sabi at tumuwid sa pagkakatayo dahil nakasandal siya sa Range Rover niya.

I poked the side of his waist. In fairness, matigas!

"Hindi daw ako susunduin. Wews!" Sinikop ko pa ang kaunting buhok sa likod ng tainga ko.

"You left that in the condo," nagpanic naman ako nang ihagis niya sa akin ang power bank ko.

Niyakap ko 'yon nang mahigpit ng masalo ko.

"Hoy! Paano kung hindi ko nasalo tapos nahulog!" Iritado kong sabi at hinampas ang braso niya. "Wala ka bang kamay? Pwede naman iabot ng maayos eh."

Napakasama ng ugali!

"Thanks God naiwan kita! Ngayon may maghahatid na sa akin," pinatakan ko ng halik ang powerbank bago ko ipinasok sa bag.

Akmang hihilain ko naman na pabukas ang pinto ng kotse niya ng pigilan niya ako.

"What do you think are you doing?" Nakataas ang kilay niyang tanong.

"Hindi mo ako ihahatid?" Lumipad ang kamay ko sa dibdib ko at umarte akong naoffend.

Pumikit siya nang mariin at nagtiim bagang.

"Can't you be more pleasing than that?" Nagliwanag ang mukha ko.

"Hindi mo ako ihahatid?" Ulit ko with full conviction and with feelings pa.

Umirap siya at bumuntong hininga.

"Fine," he said in defeat.

#tipidtips!

I joyfully hopped inside his car. Nakakaturn on 'yung amoy ng kotse niya. Ang bango! Lalaking-lalaki ang dating. Ganito talaga mga type ko eh.

I was still sniffing the smell of his perfume when he entered.

"What are you doing?" Mukhang nawi-weirduhan na siya sa akin. Ang ganda ko namang weirdo.

"Ang bango kasi." Puri ko. "Anong pabango mo? Ipangreregalo ko lang sa jowa ko."

Kunot noo siyang bumaling sa akin.

"Joke!" Humalgalpak ako sa tawa. Ang sarap videohan ng itsura niya. "Jowaless ako 'no! Baka gusto mong mag-apply."

He clicked his tongue. Iritado niya din ini-start ang kotse.

"Sungit mo," I chuckled.

Lumipas ang ilang minuto ay nasa daan na kami papuntang UP. I was already humming with the song on the radio. Bakit feel ko ang saya ng araw na 'to?

"You don't have classes?" Tanong ko nang maalala ko.

"I have," tipid niyang sagot. "Actually late na nga ako eh."

Nanlaki ang mata ko. Oh my, God.

"Tanga ka!" Hindi makapaniwala ko siyang tinignan.

"Oh my, God! Bakit hindi mo sinabi?! Kasalanan ko ba? Oh my, God. Sorry!" Naiiyak ko siyang niyugyog.

Putang ina naman kasi bakit hindi niya agad sinabi. May sarili naman akong kotse tapos marunong naman akong magcommute. Bakit hindi siya tumanggi!

"May sarili akong kotse. Marunong din naman akong magcommute!" Reklamo ko sa kaniya.

I looked at him angrily when I heard him chuckle.

"Joke time ka! Gago," Inis kong sabi at humalukipkip na lang.

Leaving Was the Easy Part (Millennia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon