#LWTEP09
I don't feel like myself anymore.
Sa araw-araw ang sarap na lang kwestyunin ng mga desisyon ko sa buhay. Nakakapagod na.
"Nandito na ako," mahinang sabi ko pagkabukas ko ng pinto sa condo.
Napatigil si Bea papuntang couch na may dalang bowl ng chips at popcorn. Inabot niya 'yon kay Alleah at saka dumalo sa akin, nilapag naman ni Alleah ang bowl sa center table at naglakad rin papalapit sa akin.
"Kanina ka pa namin hinihintay." May bahid ng pag-aalala sa boses niya.
Kinuha ni Alleah mula sa akin ang bag at mga papel ko.
"Napapadalas ang pag-uwi mo ng ganitong oras, Cel."
Madalas nga ay late na ang pag-uwi ko dahil ayoko ng iuwi sa bahay ang mga gawain ko at as much as possible ay sinusubukan ko nang tapusin sa school. Pero iba ang dahilan ko ngayon.
"Galing ako sa bahay." Tipid kong sabi.
Nagkatinginan silang dalawa sa sinabi ko.
"Is there a problem?"
"Teka nga! Bakit? Bakit daw? Anong mayroon?" Alam kong naguguluhan silang dalawa sa nangyayari. Ako man ay naguguluhan din.
Niyaya ko silang maupo.
"I saw Tita Madel a few days ago—"
"And then?!" 'Di pa nga ako tapos mag-explain.
I made a face. "...in UST."
I saw how both of their mouths formed an 'o'.
"And then, what? Nakarating na agad kay Tito Arthur?" I nodded.
"What a snitch!" Maarteng sabi ni Alleah.
"It's fine. Okay na." I assured them.
"Bakit ka nagpunta sa mansyon niyo? Inutos ng daddy mo? Anong sabi?" Sunod-sunod nilang tanong.
I shrugged.
"Tell us!" si Alleah.
"Fine!" I said in defeat.
I reached for the can of beer on the center table. "He doesn't want me to go there anymore."
"That is just too much!" Angal ni Alleah nang ikwento ko sa kanila ang buong nangyari.
"Oh, well! You know Tito Arthur, gano'n na siya kay Celina eversince God knows when."
I smiled bitterly.
"But still! I feel very bad for you." Niyakap ako ni Alleah.
"Don't be. I can handle myself."
"You've always been pressured of your dad." Malungkot niyang sabi.
"Mabuti na lang at hindi ganoon sa 'yo si Tita Gigi. You still have her and Ely."
"That's what I am thankful for. And you guys, I still have you all, right?"
"We got you. Always!"
Gumaan ang pakiramdam ko dahil doon. It's really the little things in life that matters.
***
As per my dad's request, I stopped going to UST. He said, it's one of the few things that distract me from my studies. Hindi naman totoo iyon pero ayaw ko nang makipagtalo at gumawa pa ng gulo kaya sinunod ko na lang. Nakinig na lang ako, besides, he knows what's best for me.
"Bea!" I shouted from my room.
"Yes?"
"Sasabay ka ba mamaya pauwi? Magdadala akong sasakyan papasok eh," Hinila ko pasara ang pinto habang kinakabit ang hikaw ko.
BINABASA MO ANG
Leaving Was the Easy Part (Millennia Series #1)
Romance(Millennia Series #1) Lilianna Celina Rios did not ask to get stuck in the middle of this mess. Her life as an Iskolar ng Bayan is more than enough for her but to meet a friend whom she'll love is entirely apart. But you don't get to have all the go...