#LWTEP05
I felt really bad after what happened with Santi.
It was a childish act.
I took down the video and posted a public apology afterwards because of guilt. And also because I felt like it was a responsibility to do so.
I did not think first before I acted. Ang dami tuloy nagsasabi kung gano'n daw ba talaga ang ugali ko. It's nothing though. I'm used to criticism. Wala na lang 'yon sa akin. People are easy to assume even though they know nothing.
Itutuon ko na nga lang ang atensyon ko sa pag-aaral. Iyon naman talaga ang mas importante ngayon. Hindi naman na ako magpapakita sa kaniya. At wala ding dahilan para magkita kami.
"Ano 'tong naririnig kong chismis na pumunta ka daw dito kahapon, Celina?" Talak ni Erin sa videocall.
Inalis ko ang tingin sa librong binabasa ko at ibinaling sa kaniya. Hindi naman ako sumagot.
"True! Tapos dinelete mo 'yung video ni Santi at may kasama pang public apology, showbiz ka masyado girl!" Si Mariz.
"You two didn't tell me you left. Mag-isa lang ako dito kahapon," Alleah pouted.
"Eh paano ba naman 'tong si Celina, nag-aya papuntang UST para suyuin si Santi," Singit ni Bea na abala sa paglalagay ng nail polish niya.
"Excuse me! Hindi ko siya susuyuin. Nagchat nga kasi si Samuel, 'di ba?"
"Ganoon na rin 'yon kasi pumunta ka eh. Tapos parang tanga habang nagsosorry tinawag ba namang 'love' si Santi, mas nabadtrip tuloy."
Humalakhak ako.
"Malay ko ba!" Depensa ko.
"Bakit, cel? Type mo ba?" Kuryosong tanong ni Erin.
"Tinatanong pa ba 'yan? Malamang. Ginastusan eh, binilhan ng Krispy Kreme at Gong Cha." Ang epal talaga ni Bea. What the fuck.
"Oh my, God. You girl should stop. May girlfriend na 'yon eh." Nakuha ni Mariz ang atensyon ko.
Not that may pake ako 'no. Type lang naman. Hindi ko naman siya aagawin sa jowa niya.
"For real?!" Gulantang si Erin eh.
Hindi ako makasingit ng sagot dahil nagkakagulo na sila.
Hindi naman na din nakakapagtaka. Gwapo si Santi. Literal. Tapos matangos ang ilong, nakakaakit na mata, matangkad, mayaman, matalino, at medyo suplado. 'Yan mga tipikal na tipo ng mga babae. Natural lang na mayroon na siyang girlfriend. Pero natural lang din siguro na may mga naghahangad pa din sa kaniya.
Hindi ako ah!
"Legit, babes! Si Monique Paner," bulalas ni Mariz.
"I'm not sure if they two are official na though. Medyo may rumors kasi na may hang-ups pa si Mon sa Lasallian ex niya."
Ang daming baon ni Mariz. Napapaghalataang past-time namin ang magchismisan.
"It's not a big deal guys," I assured them matapos naming mapagchismisan ang dalawa.
"You know that guys like him are just my type. Normal lang 'to sa akin. He was just some guy that caught my attention. I still have a long-list of guys whom I can flirt with. 'Yung walang sabit," I proudly said.
"Wow! Oh, Alleah usog ka dito kaunti baka maupuan mo 'yung buhok ni Celina. Ang haba eh," tinawanan ko na lang sila at nagpatuloy sa pagbabasa.
I inhaled a large amount of air and relaxed myself. We are overthinking things.
BINABASA MO ANG
Leaving Was the Easy Part (Millennia Series #1)
Romance(Millennia Series #1) Lilianna Celina Rios did not ask to get stuck in the middle of this mess. Her life as an Iskolar ng Bayan is more than enough for her but to meet a friend whom she'll love is entirely apart. But you don't get to have all the go...