07

96 3 0
                                    

#LWTEP07

I can't believe I just met her!

I knew her because of Mariz but I didn't expect that she is that pretty! I don't know what's going on between the two of them. And the uncertainty is killing me! I'm not even sure if Santi's sleeping on her! I mean, if y'all are sleeping on that kind of beauty? Girl, you snappedt.

She looks like an international model because of her certain features. Tall, up-turned eyes, pouty lips, and high cheekbones. Yet I'm more on the soft side. Too bad she has the attitude. I believe that value comes first when it comes to boys. Aanhin nila ang ganda mo kung panget ang ugali mo 'di ba?

"You better tell me the real score between the two of them, Mariz. Hawak ko jowa mo!" Pagbibiro ko.

"Baka meron! Hindi ko alam! Hindi naman ako subscriber ng lovestory nila 'no?" I leaned against my chair.

It's Sunday and we decided to go to the mall to have lunch. Magpaplano rin kasi kami para sa birthday ni Erin, a few weeks from now.

"Hindi naman kasi siya socially active kaya ang hirap sumagap ng chismis. 'Yung mga dine-date niya lang ang mostly maingay about their relationship." Paliwanag ni Erin.

I sipped on my shake.

'Yon na nga ang problema. Sobrang dalang niya lang gumamit ng social media kaya sobrang dalang din na mapansin niya ako. Once in a blue moon lang yata kung magpost at mag-update ng socials. Masyadong masikreto sa buhay.

Bukod sa mga maiingay niyang ex and ex-flings, si Monique pa lang ang pinaka-recent na naiuugnay sa kaniya. And she's very proud of it! Kita ko sa mga social media handles niya na lagi siyang natatanong about her relationship status tapos magbibigay lang siya ng hint. Napaka-showbiz.

"Alam mo inday, sariling sikap ka na lang sa kaniya dahil kahit kami walang alam tungkol sa kaniya. Hindi lang naman ikaw ang naglalakas loob na maghabol sa kaniya."

Doon na natapos ang topic patungkol kay Santi at Monique. Ayoko na rin muna isipin. Sa totoo lang kasi, ang dami talaga niyang babae. Nawitness ko na 'yon sa ilang araw na pagpunta ko doon. May mga chocolate at pagkain na binibigay sa kaniya. Minsan may pabulaklak pa. Kaya tiba-tiba sila Samuel at Eros sa kaniya kasi hindi naman niya pinansin ang mga binibigay sa kaniya. Minsan 'yung akin kinakain niya kasi kinukulit ko siya kaya ayon, napipilitan kainin. Mukhang ako lang naman kasi ang dumidikit-dikit sa kanila. Makapal naman kasi talaga ang mukha ko at advantage ko iyon 'no!  The devil works hard but I work harder.

Our day went well at hapon na nang makauwi kami dahil nanuod pa kami ng movie at nag-ikot ng kaunti. Hinatid lang namin sila Erin at Mariz sa España dahil si Alleah ang nagdala ng sasakyan. Dumiretso na rin kami sa condo pagkatapos.

Naligo lang ako at nagpalit ng pajamas bago sumalampak sa kama. Wala na akong readings dahil tinapos ko na kahapon pa. Hindi pa rin naman ako dinadalaw ng antok kaya naisipan kong mag-Instagram na lang mula.

Nagulat pa ako na may story si Santi. Nasa sleepover yata sila. Video 'yon na kita kung paano sila nagpapractice para sa presentation. Bukas na kasi ang pre-reporting nila for their major peta. Nahati sa dalawang araw ang presentation nila. Halos 60% daw ng grades nila for this sem ay doon magmumula kaya sobrang importante para sa kanila nito.

At as usual, nag-reply ulit ako.

celinarios:
Keep hustlin', Engineer!

Napangiti ako sa reply ko. Kinikilig akong isipin na months from now, gagraduate na siya and hopefully, magiging isang lisensyadong engineer. I know he'd do great! Kita ko 'yon sa effort at dedikasyon niya sa lahat ng ginagawa niya.

Leaving Was the Easy Part (Millennia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon