06

112 5 1
                                    

#LWETP06

I don't know if what happened the other day was a good thing or not. Lumakas lang naman ang loob kong harutin si Santi dahil sa mga pinagsasabi ni Samuel. Well sobrang nakaka-lakas naman talaga ng loob na malaman na may chance ka sa crush mo. I mean, hindi niya directly sinabi but I got a hunch. At mas naging biased pa lalo ang hunch ko dahil nga type ko talaga siya.

Finollow ko na nga lahat ng social media handles niya eh. Then I found out that we have a lot of mutuals. He's friends with some of my closest friends as well! Lalo na si Leo.

Tapos bilang ako si Celina at makapal talaga ang mukha ko at times, sinusubukan ko din siyang ichat. Hindi naman ako nirereplyan. Okay lang naman, hindi ko naman kailangan ng reply niya. Nagpapapansin lang ako.

Nabusog lang ako sa mga sinabi kong kinain ko din lalo na do'n sa part na makakalimutan ko din siya eventually. Tapos may pa-'he's just some guy that caught my attention' pa akong nalalaman. Isa pa 'tong 'it's just a phase' Akala mo hindi marupok eh.

"I'm craving for chinese food," I pouted. I lazily laid down on the couch.

Kagagaling ko lang sa school. Stressful sobra pero kakayanin.

"Don't me." Si Bea na nasa kitchen. "Mag-aaya ka sa Banawe pero ang totoo sa UST mo talaga gusto pumunta."

Ngumisi ako.

"Ang galing mo talaga, Bea. Paano mo nasabi?" Sarkatiko kong sabi.

"Alleah, let's grab some chinese food." Si Alleah na nga lang ang isasama ko.

"Let's just order," mukhang pagod na din siya sa araw niya so hindi ko na pinilit.

Nag-order na nga lang talaga kami.

Nag-scroll muna ako sa instagram habang hinihintay ang order namin. May story si Santi. Nasa Angkong sila! Sabi ko na nga ba dapat tumuloy kami eh. Napost 'yon three minutes ago. Sayang! We could have see each other kung tumuloy kaming mag-dine in.

I clicked my tongue and sent a reply instead.

celinarios:
was supposed to go there :(

I patiently waited for his reply though at the back of my mind alam kong hindi siya magrereply.

santivalerio_:
TyL hindi ka tumuloy

Nanlaki ang mata ko nang magreply siya.

Shit! First time 'to. I instantly smiled kahit ang epal ng reply niya.

celinarios:
Awit sa'yo sir!

Sineen niya na lang ako. Okay lang at least nagka-progress ako! Maliit na bagay lang pero progress pa din.

Baby steps tayo, Santi ah?

Days went by at tuloy-tuloy lang ang pangungulit ko kay Santi. Nagchachat at nagrereply pa din ako sa mga story niya pero puro like lang ang nakukuha ko mula sa kaniya.

Sinasabihan ko nga sila Erin at Mariz na bibisitahin ko sila pero h'wag na daw dahil alam naman nilang hindi talaga sila ang gusto kong makita sa UST. Duh, sino pa ba?

"I-tour mo naman ako d'yan girl," suggestion ko habang nagvi-videocall kami.

"Busy kami day! 'Di ka namin maisisingit," si Erin na nakahiga sa couch nila.

"Puro kalandian ang alam nitong si Celina," iritado akong bumaling kay Bea na nakaupo sa couch. Nasa sahig kasi ako. Kaaalis lang ni Alleah papuntang Ateneo at parehong mamayang hapon pa ang klase namin ni Bea kaya kaming dalawa na naman ang naiwan dito.

Leaving Was the Easy Part (Millennia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon