10

72 5 0
                                    

#LWTEP10

I woke up the next day feeling groggy.

I have a stuffed nose and watery eyes. My body's feeling too heavy to even get up. Pero dahil may klase ako, pinilit kong tumayo at maligo.

I went downstairs with my things and a box of facial tissue on my hand.

"Are you sick?" Sinalubong agad ako ni Alleah pagkababa na pagkababa ko pa lang.

"No..." I trailed off.

"Ay! Nagbibinata na 'yong boses mo," sarkastikong tugon ni Bea.

Inirapan ko lang siya. Parang gago.

"Don't come to school if you're not feeling well."

"I can't—" I stopped to entertain the sneeze that was about to come.

The morning ended with lots of reminders from the both of them. Akala ko hindi na matatapos eh.

I didn't bring my car. Uminom kasi ako ng gamot and it might make me drowsy. Nag-book lang ako ng sasakyan para makapasok.

I came to school feeling nauseous from my drive here. Ang traffic!

Truth to be told, hindi rin ako nakapag-function nang maayos. Nakakatulog ako in between lectures tapos I feel like my coughing is disturbing the whole class. Nakakahiya!

From Malcolm Hall, I have to go to Palma Hall for my next class. Malayo 'yon pero mas okay nang lakarin kaysa mas matagalan sa paghihintay ng jeep. May grace period naman before my next class pero kung babagalan ko pa ang lakad ko, malelate nga ako.

Hindi nakakatulong ang maalinsangan na panahon sa nararamdaman ko. Mas bumibigat lang ang pakiramdam ko dahil sa init. Samantalang ang lakas ng ulan kahapon.

Hawak ko pa rin ang box ko ng tissue dahil hindi talaga natatanggal ang bara sa ilong ko. Nahihirapan na ako huminga. I continued walking while blowing my nose.

"Ah!" I groaned when someone hit me.

Masama na nga ang pakiramdam ko, babanggain pa. Ang saya!

"Oh, shoot! Sorry," the guy said.

Hindi ko na lang siya tinapunan ng tingin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Hindi sinasadya akong napahawak sa ulo ko dahil tumama 'yon sa dibdib niya. It was as if I bumped myself into a big post. I looked back to see him. Napakunot ang noo ko dahil parang pamilyar siya.

Siya 'yong lalaki kahapon sa office! Iyong nagpasa ng proposal na galing daw sa frat.

Mabilis kong binawi ang tingin ko mula sa kaniya. Ano ba 'yan?!

Lakad-takbo na ang ginagawa ko para lang mabilis na makaalis do'n. Ang bastos ba ng ugali ko? I mean aware ba siya na USC ako tapos hindi ko siya pinansin? My God! Paano kapag student regent na ako? Bad example, hmmp!

I shook the thought off my mind. Buhol-buhol na ang laman ng isip ko ngayon kaya hindi ko na siya idadagdag pa. Besides, sino ba siya?

Contrary to my will, napauwi ako nang maaga. My prof said that I'm really not functioning well at mas mabuti pang umuwi at magpahinga na lang ako. So I did.

I book a cab home.

Wala pa nga lang tao pag-uwi ko dahil parehong may pasok pa si Bea at Alleah. Mag-isa ko lang tuloy inasikaso ang sarili ko kahit masama ang pakiramdam ko.

Nakakamiss sa bahay. Doon kasi kapag may sakit ka mayroong mag-aalaga sa 'yo. Hindi tulad kapag independent, ikaw lang talaga ang magbabantay sa sarili mo.

Leaving Was the Easy Part (Millennia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon