13

96 4 0
                                    

#LWTEP13

That night ended smoothly.

I sent them all off after a few hours. Pinadalhan pa sila ni mommy ng mga pagkain para iuwi. At halata namang mas marami siyang ibinigay para kay Santi.

At ewan ko ba, saglit pa silang nag-usap no'n. Hindi ko na lang tinanong kung para saan pa 'yon dahil pakialam ko 'di ba?

Weeks passed by quickly. Hindi ko na halos namalayan 'yon.

Santi and I grew a little more closer. We talk casually now. And then we'd often converse online. Yes, pinapansin na niya ako online. He has been a new friend.

Santi:

Should I pick you up?

Mensahe na natanggap ko mula kay Santi habang nasa klase ako. Nagtipa ako ng reply.

Me:

'Wag na. Uuwi ako sa mansyon.

It's my birthday. Uuwi ako sa mansyon dahil magdidinner kami ngayon. Sa weekend na lang ako lalabas kasama ang mga kaibigan ko.

Nasa klase pa ako pero heto ako at nakikipag-text lang sa lalaking ito. Siguraduhin niya lang na may mapapala ako dito. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko, actually. Ano ba ang lahat ng ito? Panaginip?

Santi:

Alright. Let's go out when you're free.

Me:

Yes please !!

Hindi na siya nagreply pagkatapos no'n.

My gaze flew out of the window. Orange, red, and yellow hues filled the sky reminding me that it was about to set. Hindi ako inantok sa klase kong ito. Hindi ko alam kung dahil ba birthday ko o nagkataon lang.

Natapos ang klase matapos ang ilang minuto. Mabilis akong nagligpit ng gamit dahil ayokong paghintayin sila mommy.

Rays of the setting sun hit my face as I ran down the stairs of Palma Hall. I covered my face with my right hand. Mahigpit ang hawak ko sa laptop at MemAid ko.

Lakad-takbo ako nang tuluyang makababa dahil magcocommute pa ako pauwi sa condo bago tumulak sa mansyon gamit ang kotse ko.

"Atty. Rios," I froze when I heard that familiar nickname.

I stopped and looked back. My hand on my shoulder bag loosened.

"What are you doing here?" Gulat kong tanong.

"Happy Birthday."

I smiled because he knew. Ka-text ko siya mula umaga at kahit nasa klase ako pero hindi ko naman sinabing birthday ko.

"Saan ang gift ko?" I raised my hand in front of him.

Humalukipkip siya at sumandal sa kotse.

"I went straight here after class. 'Di ako nakabili," he pursed his lips.

Inismidan ko siya.

"Fine! Tara hatid mo ako sa bahay then stay ka na rin for dinner," pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya umikot at sumakay sa driver's seat.

"You might want to sleep first... rush hour na baka matagalan pa tayo dito."

Kalalabas lang namin sa University Avenue. I looked outside and saw the build-up of vehicles along Commonwealth Avenue. I nodded at him and reclined my chair. Hindi naman talaga ako inaantok. I fished out my phone inside my handbag to look for music to listen to.

A few moments later, hinila na rin ako ng antok.

Nagising ako at may kausap siya sa telepono.

"We're on our way," iyon ang huli sinabi niya bago ibinaba ang tawag.

Leaving Was the Easy Part (Millennia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon