Chapter 17

124 7 0
                                    

Sky POV
Sawakas malaya na ako sa exam at pahinga kami ng isang linggo bago bumalik sa pag aaral.

Tulad ng plano namin ni hunter nung isang linggo pupunta kami kay papa para makita ko naman siya at makamusta.

Pagdating ko sa dorm namin ni hunter wala pa siya. Nag ayos muna ako ng gamit na dadalahin para sa tatlong araw na pagtuloy doon at pag handa ng gamit ng mga bata. Pag katapos ko mag ayos ng gamit nag shower muna ako dahil medyo na pawisan ako at mamayang pagdating namin doon ay di na ako magshoshower dahil gabi na rin. Yung mga bata ay na kay tita Star ngayon dahil nga may pasok kami lahat at walang mag aalaga sakanila. Mamayang pag uwi ni hunter dala na nga ang mga bata.

Hunter POV
At natapos ko na rin yung exam habang pababa ako ng hagdan ng med department nawala yung mga kaibigan ko muhkang nagmamadali sila. Alam ko si archer uuwi sakanila ewan ko lang kay Ace kung bakit siya nag mamadali. Pagdating ko sa kotse tinawagan ko si sky.

"Sky susunduin ko na ba yung mga bata o sabay na tayo susundo?"tanong ko sakanya.

"Sunduin mo na at mapunasan ko bago tayo umalis papunta kanila papa."sabi niya saakin

"Sige."yun lang Ang sinabi ko sakanya bago ko binaba.
——————————————————————————
*heaven orphanage*
"Tita star.!"tawag ko kay tita.

"Oh! Hunter napa aga ka ata?"tanong niya saakin.

"Pinapasundo na po kasi saakin yung mga bata hehehehe."nahihiya kong sabi. Kahit lagi namin hinahatid yung mga bata dito pag busy kami di kami masyado nag uusap ni tita ngayon lang ako sumundo mag isa dito kaya medyo nahihiya ako.

"Ah sige kuhain ko lang sila sa likod."sabi niya. Sa pagkakaalam ko yung likod ng orphanage ay mismong bahay ni tita kaya di na ako nag tataka na malaking tong orphanage dahil kahit bahay niya ata part na nito.

"Eto na sila oh."sabi niya. Pagtingin ko sa dala nakita kong tulog yung dalawa pero yung isa nakasimangot.

"Blade bakit ka nakasimangot lagi ka nalang nakasimangot."sabi ko sa baby. At tiningnan lang ako nito at tumingin sa iba. Aba't itong batang to si sky lang ata nagpapangiti dito tsk.

"Sige po tita mauna na po kami pupunta pa po kasi kami sa tatay ni sky."sabi ko.

"Oh sige. Pero ilang araw kayo doon?"tanong niya.

"Tatlong araw po."sabi ko.

"Mamimiss ko mga batang to kahit makukulit."sabi niya. Pero muhkang yung dalawa lang naman makulit yung isa masungit eh.

"Hayaan mo po pagbalik po namin kanibukasan na kanibukasan pupunta po kami sainyo."sabi ko.

"Sabi mo yan ah panghahawakan ko yan hahahaha."natatawang niyang sabi.

"Osige humayo na kayo at baka gabihin kayo ng sobra."sabi niya.

Pagkasabi niya nung nagpaalam na ako ulit at naglakad papuntang kotse habang tulak tulak ang stroller ng mga bata. Saktong paglabas namin narinig kong tumatawa yung isa pagtingin ko gising na yung dalawa at muhkang maglalaro.

"Hmmmm laro muna kayo dyan ah mamaya lang makikita ninyo na si papa sky."sabi ko sakanila at isa isa ko sila nilagay sa car seat para sakanila.

Habang nag dridrive ako pabalik sa dorm tumitingin ako sakanila saglit para tingnan ko ok pa ba sila sa likod o baka nagaaway na sila o nasasakal ganun ba.

Pagdating namin sa dorm mabalis ako na kumilos na ayusin yung stroller para maiibaba ko sila agad sa kotse.

Pagdating namin sa dorm wala si sky na kala ko naghihintay sa sala.

My Mr.Gem (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon