*Next Morning*
Sky POV
Kinabukasan nagising ako ng 6 o'clock ng umaga para mag handa ng agahan para saamin lahat. Paglabas ko ng kwarto tiningnan ko muna yung dalawa kong kapatid kung tulog pa. Si xavier mahimbing ang tulog pero si cole wala na sakanya kama baka naliligo na. Pero sabado ngayon wala naman pasok ang mga elementary students ng sabado diba. Ganun na ba ako katanda at madami ng nabago nung nag graduate ako ng highschool kahit wala pang isang taon. Napagdesisyon ko na bumaba nalang para maghanda ng agahan. Pagbaba ko nakita ko si papa."Oh! Pa ang aga mo ata gumising?"nagtataka kong tanong.
"Ah! Nak may pasok kasi cole ngayon contest daw sa school kaya maaga gumising para makapag agahan siya."sabi niya saakin.
"Baka gusto lang gumala ni cole pa ah."sabi ko sakanya. Ginawa ko na kasi dati yun kunyare may project yun pala gagala kasama mga tropa.
"May waiver naman pinakita at pinapirmahan kaya sigurado akong totoo. Kayong tatlong nakakatandang kapatid lang naman ganun gawain."pabiro niyang sabi.
"Ay pa di ako ganyan may project talaga sadyang maaga natapos kaya gumagala kami nun. Kaya invalid case yung akin."pagdadahilan ko parin. Kung di lang talaga kami nahuli ni mama gumagala sa mall hindi malalaman na tumakas lang ako para gumala eh.
"Oo na. Ikaw bakit ang aga mo ano oras na kayo dumating kahapon ah."tanong niya habang nag aayos ng lulutuin niya.
"Magluluto sana ng agahan pa kaso naunahan mo ako. Kailangan mo po ba ng tulong?"tanong niya saakin.
"Di na nak tska parang ang tanda ko na eh kaya pa kita buhatin kung gugustuhin mo hahahaha."natatawa niyang sabi.
Pero muhkang totoo naman yun muhkang kaya pa niya kahit matanda na kasi si papa alaga niya katawan niya at stay healthy siya parehas sila ni mama kaya pag lumalabas kami pamilya tuwing summer muhka kaming magkakapatid.
"Ako nalang po maghahatid kay cole sa school niya tutal nakaligo na ako. Baka malate po siya pag hintayin ka pa niya maligo."sabi ko sakanya.
"Sige lang nak yung susi ng kotse nasa hagdan kuhain mo nalang mamaya pag aalis na kayo."sabi niya.
Pagkatapos niyang sabihin ninyo saktong pagbaba ni hunter at bagong ligo rin.
"Ang aga mo ata nagising."sabi niya saakin.
"Magluluto sana ako ng agahan kaso nauhan ako ni papa."sabi ko sakanya. Pang ilang beses ko na ba nasabi yun.
"Pa. Ready na po ako!"sigaw ni cole sa taas.
"Kumain ka muna dito nak.8 o'clock pa naman call time ninyo."sabi ni papa. Maaga pa naman 6:45 am palang naman kaya may oras pa siya kumain.
"Ikaw rin kumain kana hunter."sabi ko.
"Ikaw di ka pa kakain?"Tanong niya saakin.
"Mamaya ba pagbalik ko galing sa paghatid kay cole."sabi ko sakanya.
"Kuya sky ikaw po maghahatid saakin?"tanong ni cole.
"Ayaw mo?"tanong ko sakanya.
"Naninigurado lang po ako sa narinig ko."seryosong sabi niya. Kelan pa tong natuto makinig sa usapan ng matatanda.
"Kumain kana dyan."sabi ko sakanya.
Habang kumakain sila ako natingin lang sakanila habang nagiisip kung ano magandang ulam mamayang lunch ayaw ko kasi puro kain lang gawin ko dito mas maganda na yung tumutulong ako sa gawing bahay.
BINABASA MO ANG
My Mr.Gem (bxb)
Storie d'amore3 magbebestfriend na magcocollege soon sa Gem university.di nila alam doon nila mahahanap ang kanilang lost love.ano kaya gagawin nila? First story ko po to sorry po kung panget