Chapter 3

67 8 0
                                    


Again bakit nga ba ako nagkakape sa gabi? lutang tuloy ako ngayong umaga bago pumasok ng school, halos hindi ako nakatulog, dahil tuloy don natapos ko lahat yung tambak kong gawain, dapat nga siguro maging thankful nalang ako na hindi ako nakatulog

Sa sobrang tamad kong kumilos ngayong araw nag shorts nalang ako at plain shirt, nakakatamad magisip ng susuotin kapag drain na drain ka na ano

Pero eto naman yung good kind na pagod, ever since naman kase sa UP ko na talaga gustong pumasok, pero eto narin yata ikamamatay ko ewan ko ba atleast mamamatay akong masaya kahit pagod diba

Habang inaayos ko yung gamit ko tunog naman ng tunog yung phone ko

From: Danyela

"Macy"

"MACY"

"MACY MONZON"

"HOY BRUHA"

kapag ganyan yan nagaway nanaman sila ni Joaquin hay nako ako kase yung takbuhan nila, mga hindi naman nila ko sinusunod, mga clown din naman nakakaloka

To: Danyela

"text kita after class ko, pupuntahan kita"

Nasa Campus na ko, grabe talaga UP feels like home kahit unang taon ko palang dito actually kahit hindi ka nagaaral dito mararamdaman mo talagang UP is your home

Dumating ako sa classroom namin wala pa halos tao, napaaga yata ako buti nalang nandito na si Belle my friend, nakilala ko siya nung enrollment

"MACYYYYYYYYY"

Tawag niya sakin na parang sobrang excited siya, sobrang hyper kase neto eh hindi ako makasabay

"nga pala Macy hinahanap ka sakin ni Gab kanina"

"dapat sinabi mo hanapan ka ba ng nawawalang tao"

"iniiwasan mo ba? Hoy Macy bad yan ha bestfriend mo yung tao tapos iiwasan mo lang kase umamin—"

"oh wag mo ituloy yan"

"kausapin mo na kase nakakaawa yung tao eh"

"oo na sige na sinabi mo yan eh"

"gusto mo yayain natin mamaya after class? kain tayo sa area 2 dun sa favorite mong ihawan"

"hindi ako pwede mamaya eh kailangan kong puntahan si Danyela, diba kilala mo naman yon?"

"oo tanda ko siya, let me guess nagaway nanaman sila nung jowa niya?"

"palagi naman"

"alam mo ikaw ang hilig mong magayos ng relationship ng iba kaya siguro hindi ka nagkakajowa"

"alam mo yang bunganga mo nako talaga ilayo mo sakin yan Belle"

"joke lang naman eto naman eto na nga oh shut up nako"

"good morning class"

Hindi ko namalayan na madami na pala kami sa room at buti nalang dumating narin prof namin

After class tinext ko na kagad si Danyela kung saan ba kami magkikita

To: Danyela

"wala na kong class, saan kita pupuntahan?"

From: Danyela

Chasing ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon