Chapter 11

50 7 0
                                    


Naka dalawang baso ako ng iced coffee kagabi kaya eto halos dalawang oras lang tulog ko

siguro dapat narin akong maging thankful at nakapag review ako para sa long quiz namin ngayon sa major subject

Skyflakes nalang ang kinain ko ngayong umaga dahil tinamad na kong magluto sa condo, dadaan nalang siguro ako sa Mcdo

Habang nagbibihis ako, tumawag sakin si Danyela

"Macy you haven't told them yet"

Hindi pa ko nakakapag hello yun na kagad ang bungad niya sakin

"maybe I don't have to tell them at all"

"at bakit?"

"because I'm not going to see him anymore"

"well that has to wait"

"oh bakit naman?"

"remember yung favor na hinihingi mo kay joaquin? mamaya lang pwede si josh 2:30"

"pwede mo namang sabihin kay Joaquin na wag na..."

"alam mo gusto kitang saktan—2:30 pm today, Blue Eagle gym, sasaktan talaga kita kapag hindi ka pumunta nakakahiya don sa tao"

Hindi pa ko nakakasagot binabaan na ko ni Danyela ng tawag kaya no choice na talaga ako

Mukhang maulan nanaman, napamura nalang ako kase naalala kong wala na nga pala akong payong at sira na

Nag crop top nalang ako at oversized hoodie, wala akong ibang panlaban sa ulan eh

Pagkabukas ko ng pinto palabas may natapakan ako

Payong and light blue yung color niya na may design pang butterflies

Natawa nalang ako na magiging agaw pansin ako kapag ginamit ko to pero at the same time natuwa ako kase I really like butterflies

Plus the fact na may maayos na kong panlaban sa ulan

Kinuha ko yon and binasa ko yung note na nakalagay dito

"you always take care of others, wag mo namang kalimutan sarili mo"

The first person that came in to my mind na pwedeng magbigay neto sakin is si Gab

He knows I like butterflies and alam niyang sira na yung payong ko—

But alam din ni Josh

Hindi ko nalang pinansin at bumaba na ko para pumuntang school




Sumakit yung ulo ko sa sobrang daming essay na sinagutan namin kanina kaya niyaya ko si Belle para kumain ng kwek-kwek sa area 2, comfort food para sa utak kong nalugaw kanina

Habang naglalakad kami ni Belle papunta sa area 2 naramdaman kong may tumatakbo papalapit samin and it was Juan GDL

"hey Gab's bff" he said to me habang naglalakad siya patalikod sa harap namin ni Belle, eto namang si Belle hiyang-hiya kay Juan

"you know I have a name right?" I told him while I was raising one of my brows

"chill I'm just here to ask a favor, alam kong malakas ka kay Gab, since UAAP season is near, can you convince him to comeback and play?"

Ganon ba kagaling si Gab para lapitan pa nila ko na pilitin si Gab?

I mean ang lakas na ng UP team ngayon

Chasing ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon