Chapter 10

52 6 0
                                    


grabe yung pangungulit sakin ni Danyela kagabi kaya kinwento ko sa kanya lahat even yung about sa hospital at about sa paghatid sakin ni Josh kahapon sa school

Gulat na gulat naman siya bakit daw hindi ko sinabi kaagad, hindi naman daw siya magagalit

Ang sinabi ko nalang parang wala namang dahilan para sabihin ko sa kanila yung tungkol kay Josh kase totoo naman, wala talagang rason

1:00 pm pa naman klase ko ngayon, 8:00 am palang ng umaga kaya nag decide kami ni Ysa na magkita

Nagayos na ko ng sarili, nag shorts nalang ako at UP Maroon shirt dahil sobrang init naman ngayong araw

Nagpaalam lang ako kay Ysa na dadaanan muna ako sa campus dahil may kukuhanin akong paper sa isa kong prof

Habang naglalakad papunta sa building namin nakita ko ulit si Gab at mukhang kinukulit nanaman siya ni Juan

Gab saw me, inalis niya yung akbay ni Juan sa kanya at naglakad na siya

Hinabol ko naman siya dahil nakakahalata na kong iniiwasan niya ako

Binatukan ko siya nung naabutan ko siya ako pa talaga nag adjust sa height niya kaya napatalon pa ko

"hoy iniiwasan mo ba ko ha?"

"bakit naman kita iiwasan" he said to me seriously, hindi manlang tumitingin sakin

"Gab I've known you since forever and you are not a good liar"

"I've been busy"

"bakit ka ba kinukulit ni Juan GDL? is he bullying you ba?"

natawa siya sa sinabi ko, eh mukha naman kaseng hindi siya natutuwa everytime Juan is around him

"no he's not okay"

"sabihin mo na kase sakin Gab!" kinulit ko siya, para akong bata na kinukulit yung nanay niya

"okay sige I'll tell you— he's forcing me to go back sa team"

Ngayon ako naman yung nagulat

"Gab can you actually tell me the real reason why you won't play basketball anymore?"

Umakbay siya sakin and he kissed my head

"wag kang masyadong makulit ha, sige na I have class!"

Ayon na nga tinakbuhan nanaman ako

Pero bigla siyang tumigil and lumingon sakin

"by the way Juan is asking about your friend"

He laughed and tumakbo na ulit

Wait— si Tin ba yung tinutukoy niya?

I shrugged it off dahil nagtext na si Ysa at on the way na daw siya don sa ice cream shop



Pagdating ko sa ice cream shop nandon na si Ysa and nagulat ako sa inorder niya, dalawang malaking bowl ng favorite ice cream niya

"diabetes ang abot mo nan" I said to her and umupo na ko sa harap niya

"wag ka ngang ano jan, kailangan ko to"

Mukhang hindi sila nag workout nung ka late night talks niya

"let me guess hindi ka na magpupuyat simula ngayon?" inasar ko siya para manlang matawa pero mukhang nainis lang siya sakin

"magpupuyat pa din"

Chasing ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon