pagkagising na pagkagising ko kinuha ko kagad yung phone ko kung nagtext ba si GabHindi ko alam bakit ako nag eexpect na itetext niya ako para ibalita na part na siya ng UPMBT, I mean bestfriend niya ako diba?
pero wala, mukhang iniiwasan niya talaga ako
Kumain lang ako ng sandwich at uminom ng kape tapos nag ready na ako for school
habang naghahanap ako ng susuotin na tshirt, nadaanan ko yung shirsey ni josh na binigay niya sakin
Then bigla kong naalala yung nangyari kahapon, yung sakit ng ulo niya, yung away namin Danyela
Kumuha nalang ako ng plain white shirt at jean shorts tapos nagbasa nalang ako sa gc namin for our major class para naman maalis yung isip ko sa nangyari kahapon
Kinuha ko na yung bag ko and palabas na ako when I saw Charles standing in front of my unit door
"Charles anong ginagawa mo dito?"
he looks serious and mukhang malungkot
"may time ka ba?"
"yup I still have an hour, pasok ka"
tinuro ko yung sofa ko para doon siya umupo and makapagusap na kami
"Charles may problema ba?"
"Macy nalaman ko yung nangyari sa inyo ni Danyela kahapon"
Yung iniiwasan kong topic, hindi ko pala maiiwasan
"what about it?"
"ako na yung mag sosorry for her macy please"
Kinausap ba ni Danyela si Charles para kausapin ako?
"inutusan ka ba niya?"
"no hindi niya alam to ako yung magisang pumunta dito"
Halos maluha ako sa nangyayari ngayon, sobrang sakit lang para sakin
"Charles do you even know kung anong sinabi niya sakin kahapon?"
"hindi naman niya sinasadya yon eh"
Bullshit
"she looked serious to me"
"Macy ayoko lang naman masira tayong barkada dahil diyan sa away niyo, gusto ko maging maayos tayong lahat"
Bakit feeling ko cornered ako, merong part sa akin na gusto kong sisihin yung sarili ko sa nangyayari ngayon
"ano bang gusto nilang gawin ko? hirap na hirap din naman ako sa sitwasyon natin ngayon eh"
Wala na, hindi ko na napigilan yung luha ko na tumulo
"Charles alam kong naiipit narin kayo nila Dianne, Tin at Hanna kaya I'm sorry— siguro kung sinabi ko kagad yung about kay Josh hindi na sana aabot sa ganito"
It all started naman nung nakasabay ko siya sa grab pero hindi naman siguro kami aabot sa point na papapiliin nila ako diba?
"Macy I'll ask you straight, do you like Josh?"
BINABASA MO ANG
Chasing Butterflies
FanfictionA story about friendship, betrayals, family, heartbreaks, triumphs and love.