Chapter 12

56 6 0
                                    


Gulat na gulat ako sa narinig ko, yung tiyan ko parang umiikot, yung puso ko sobrang bilis ng tibok

I don't really know what answer I want to give him

"you didn't answer my question josh, anong nangyari sayo kanina?" ayan nalang yung nasabi ko pero sa totoo lang curious talaga ako bakit siya nagka ganon kanina

Tumawa siya

"I admitted na I like you pero ayan ang isasagot mo sakin, I don't know kung matatawa ba ko or maiiyak"

Seryoso talaga siya..... hindi naman kase ako sanay sa ganito

Unang beses na may umamin sakin na gusto nila ako, bestfriend ko pa

"I'm sorry, hindi ko kase alam sasabihin ko"

"don't say sorry macy, I can wait, hindi mo kayang madaliin sagot mo sakin"

He gave me a big smile, parang binibigyan niya ko ng assurance

Pero I'm still worried about him

"josh ulitin ko lang, are you really okay? kanina kase paiyak na ko sa nangyari sayo"

"bakit takot ka bang mawala ako?"

"Josh seryoso ako" I looked him straight in the eyes

Ang tagal niya bago maka-sagot

"wala yon, migraine lang"

"ganong kalala?"

"yup, tara na" hinila niya yung kamay ko para itayo ako at sinuot sakin yung bag ko

"saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya

He was still holding my wrist

"ihahatid kita"

"josh hindi naman sa habol ko yung kotse mo ha? pero iiwanan mo ba yon dito? Palabas na tayo ng Ateneo"

"hindi naman yon mawawala diyan, tutal ayokong mag drive kapag nasakit ulo ko"

Nakalabas na kami ng Ateneo, paparahin na dapat niya yung taxi na dumaan pero hinila ko yung kamay niya pababa

"ikaw ha, gusto mong hawakan kamay ko" kanina sobrang seryoso niya, ngayon ang bully na

"baliw, hindi tayo sa taxi sasakay, mag trike tayo"

"trike?"

Pumara na ko ng trycicle at sumakay na, hirap na hirap siya sa pagsakay dahil mababa yung trycicle na napara ko, ang tangkad kase niya eh

"pahirap ka, hindi nalang yung trycicle na mataas pinara mo"

"ikaw mag adjust"

Tinawanan ko naman siya, gantihan lang

Habang on the way kami sa condo ko na-stuck kami sa traffic

Napansin ko si Josh na inaantok pero hindi niya masandal yung ulo niya dahil mababa ang sandalan

Inayos ko yung bag ko sa lap ko at kinulbit ko siya

"miss mo kagad ako?" ang lakas mangasar nakakainis

Tinuro ko yung bag na nakapatong sa lap ko, para sabihin sa kanya na ihiga niya ulo niya don pero mukhang slow tong kausap ko

Nakatingin lang siya sakin, nagtataka

Chasing ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon