It was already 6 in the evening nung natapos kwentuhan naming barkada
Nag seperate na kami sa main gate ng Ateneo, pagkalabas namin sa gate there was Gab, my bestfriend.
"grabe Gab ang tiyaga mo 5 years old palang yata to si macy crush mo na to"
Pangaasar sa kanya ni Charles, lahat sila nakatingin sakin at halatang mga nangaasar
"Gab anong ginagawa mo dito?"
"sinusundo ka, dinner tayo?"
Nagtawanan mga kaibigan ko, mga nangaasar talaga.
"Macy jowain mo na kase si Gab grabe ka!"
sigaw ni Kiana na halos rinig sa buong Ateneo, nakakaloka, hiyang-hiya na ko.
"okay sige"
"hoy una na ko sa inyo bye chikas"
Nagpaalam na ko sa kanila at naglakad na kami mi Gab palayo
Gab is my bestfriend simula childhood, elementary hanggang college pareho kami ng school diba, ganong ka close parents namin sa isa't isa.
Gab knows all of my secrets, as in lahat, I tell him everything, pero nagbago lahat yon nung umamin siya sakin before classes started sa UP.
Alam ko naman sa sarili ko na hindi dapat ako mailang sa kanya eh pero ewan ko rin ba, nahihiya ako because I can't return his feelings.
"sabi mo nagiipon ka, bakit ka nagyayaya mag dinner?"
Tanong ko habang nakatingin sa kanya, ang hirap ngalang kausap neto kase he's taller than me
I asked him that question kase since second year high school hindi ko siya nakitang bumili ng bagong damit, sapatos kung meron man siyang bibilhin, sa ukay-ukay or second hand ang bibilhin niya
Ngayon nga yung suot niyang black hoodie at shorts bili ng mommy niya na ayaw pa niyang tanggapin nung una
"wala lang, namiss ko bestfriend ko eh"
Tumingin siya sakin at ginulo yung buhok ko
"kahit kelan ka talaga, wala ka bang plates na dapat gawin ha?!"
"mamayang gabi na yon"
"Gab naman eh edi napuyat ka? Lalabo nanaman mata ko, mahihilo ka, hindi ka nanaman makakaligo bago pumasok"
"wow concern sakin bestfriend ko ah? namiss ko yan"
Tawa siya ng tawa, I actually missed him rin, yung pangungulit niya, lahat-lahat.
"hindi ah mas concern lang ako sa mga kaklase mong maaamoy ka sa umaga"
Binatukan niya ko at tumawa ulit, sumakay kami ng jeep pabalik ng area 2 at nag dinner kami sa paborito naming ihawan doon.
After naming mag dinner ni Gab hinatid na niya ko sa condo ko at umuwi narin siya dahil kahit habang kumakain kami kinulit ko siya about sa plates niya, architecture kase ang course niya pero napaka tamad gumawa ng plates ewan ko rin ba don
Pagdating ko sa loob ng condo ko, nagpalit na ko ng sando and shorts tsaka humiga sa kama ko, tutal wala naman akong schoolworks, ginamit ko muna yung phone ko and nag open ng instagram
Madalas kase akong manood ng stories ng umaga, tsaka random pictures sa ig, habang nanonood akong stories biglang may nag notif na follow request sakin dahil naka private ako
BINABASA MO ANG
Chasing Butterflies
Hayran KurguA story about friendship, betrayals, family, heartbreaks, triumphs and love.