Chapter 19

41 2 1
                                    

MACY'S POV

9:00 am

walang klase ngayon pero maaga parin ako nagising, ewan ko ba.

nag check ako ng phone ko, pagbukas ko may text pala sakin si Tin.

Tin

:Macy aalis ka ba? kung aalis ka wag ka ng umalis basta pupunta kami ni Charles at Hanna jan sa condo mo mamaya, hehe love you!

Si Tin talaga yung never nakalimot, sa aming lahat kay Tin talaga ako pinaka close...

Pero ano kayang meron? no choice naman na ako at baka importante kaya sila pupunta dito sa condo ko

nag check naman ako ng ig stories

Si Gab, nag story siya ng picture nila ni Josh and magkaakbay sila sa isa't-isa

It brought a big smile on my face, and hindi ko rin maiwasang isipin na somehow because of me nagkausap sila at nagkaayos na...


Sumunod na account naman is kay Ysa, ang taray ni gaga puro date with Penny ang paganap

hanga din ako dito kay Ysa eh, accounting ang course pero sobrang galing sa time management, kaya never ko siyang ijujudge sa palaging bebe time nila ni Penny, pero may label na kaya sila?


Natawa nalang ako sa mga naiisip ko


Bumangon na ko para magayos ng sarili at magayos dito sa condo, nakakahiya naman kina tin pagdating mamaya



habang naglilinis nag video call sakin si mama alam niya kase na wala akong klase ngayon



"hi anak kamusta?"

"okay lang ako ma, ikaw po? bakit parang aalis ka?"

"ah oo, nagyaya kase si doktora Lazaro mag lunch"


Hindi ko alam magiging reaksyon ko don, mukhang sobrang close na ni mama at ng mom ni Josh tapos si mama hindi alam na palagi kaming magkasama ni Josh— ni hindi niya nga alam na kakilala ko si Josh



Pero super unexpected yung closeness nila, nung nagpapa check-up pa si papa sa kanya never naman niyang niyaya si mama sa labas



"ingat ma ha"

"ikaw anak anong balak mo ngayon?"

"bibisita daw po sila Tin dito mamaya"

"oh mabuti naman, maglinis ka diyan ha, sige anak magaayos na ako, I love you anak"

Nagpaalam na ko kay mama sa tawag at tinuloy ko na yung paglilinis



After kong maglinis, nagpahinga lang ako ng konti at nag decide ako na mag bake ng cookies para naman may mapakain ako sa kanila mamaya


Habang naghahalo na ko ng ingredients, biglang tumalsik sakin yung flour na nilagay ko sa mixer dahil sobrang bilis pala

Bago pa ko makapag punas ng mukha may kumakatok na sa pinto, ang aga naman nila? akala ko mga after lunch pa ganon


Pagbukas ko ng pinto si Josh at Gab ang bumungad sakin



"nawiwili na yata kayong tumambay sa condo ko aber?" bati ko sa kanila



Tinawanan lang nila ako at sabay ng pumasok sa loob


Dire-direktso si Josh sa kusina at kumuha ng kitchen towel at pinunasan yung ilong ko


mukhang puro flour nga ang mukha ko

Chasing ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon