Chapter 7

56 5 0
                                    


Nagising ako sa tunog ng alarm ko

6:00 am

Nagising ako na nasa sahig ako, bigla kong naalala na dito nga pala natulog si josh dahil nilalagnat pero pagkagising ko wala na siya

I was covered in my comforter and yung towel na nilagay ko sa kanya kagabi mukhang nakaligpit na

Tumayo ako to get ready for school para naman hindi na ko magmamadali mamaya 8:00 am pa naman yung class ko

Bubuksan ko na dapat yung ref ko pero may nakalagay na sticky note sa pinto ng ref and may nakalagay don na arrow, nakaturo yon sa dining table ko

Pagtingin ko sa dining table merong nakahandang food covered in saran wrap, sunny side up na itlog tsaka french toast

May nakalagay din na sticky note sa ibabaw non, written on it was "sorry eto lang kaya kong lutuin, thank you"

It was josh, he made this for me

Napangiti nalang ako habang kinakain yung niluto niya pero nawala din yon nung naalala ko yung sinabi niya kagabi while he was asleep "mom I don't wanna die please"

Why would he say that? may kaaway ba siya? may stalker ba siya?

I shrugged it off and tinuloy ko nalang yung pagkain ko

Nag check ako ng phone kase nakita kong ang daming messages sa group chat namin

From: Charles

bruha ka Dianne! ako ginisa ng nanay mo NASAAN KA BA HA

From: Tin

Dianne anong nangyari sayo? Bakit wala ka pa sa inyo?

From: Danyela

Dianne pasampiga isa! NASAAN KA HOY

From: Kiana

DIANNE GUSTO KITANG SAKTAN BAKIT HINDI KA SUMASAGOT

shit anong nangyari kay dianne? magtataka din tong mga to bakit ngayon lang ako mag memessage

tumawag ako at himala lahat sila gising na at sumagot

"anong nangyari kagabi? anong nangyari kay Dianne?" I asked them kase nagaalala na din ako, bigla kong naalala yung inopen-up niya sakin

"si gaga hindi umuwi sa kanila"

"lasing pala kagabi kaya sa isang kaklase niya natulog"

"ayon grounded si tanga"

Si Dianne uminom? eh hindi naman umiinom yon

"sure kayo diyan?" tinanong ko pa sila kahit alam kong sigurado na dahil hindi naman talaga kase ganon si Dianne

"aba oo teh"

"malamang hoy, nasaan ka ba kase kagabi? anong ginawa niyo ni gab kagabi ha?" pangaasar ni Kiana sakin, si Gab nga pala ang huli nilang nakita na kasama ko

I was about to tell them the truth about josh pero bigla kong naisip na baka kaya hindi niya sinasabi kina Joaquin na kilala niya ko kase may ayaw siyang ipaalam sa iba

Lalo na yung nangyari kagabi, I'm not in the position to tell my friends about what happened to him last night

"gaga ka wala hinatid lang niya ko sa condo ko tas pagakyat ko kain, tulog, tapos"

Chasing ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon