Chapter 1

126 5 0
                                    


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story is not affiliated with the Ateneo Blue Eaglets and all the Universities mentioned in the story.

---------------------------------

"may tinatapos pa kong paper susunod ako"

reply ko sa text ni Tin sakin kung nasaan na daw ako at kumpleto na daw sila sa bgc

susunod naman talaga ko, kung matatapos ko kagad tong paper ko na due na mamaya 12 midnight

"macy ano na"

isa pang text galing kay Charles naman, isa ko pang kaibigan

"himala hindi ka yata late?"

"bitch ka malamang I won't miss this for the world, minsan na ngalang tayo nagkakasama"

totoo naman sinabi ni Charles, after kase naming gumraduate ng high school hindi na kami masyadong nagkakasama lalo na ngayon magkakaiba na kami ng school

natapos ko yung paper ko and decided na magmadali na, feeling ko kapag hindi ako sumunod, hindi ako patatahimikin ng konsensya ko

chill night lang naman kami ngayon so I decided to wear leggings and a white crop top, nagsuot narin ako ng oversized denim jacket dahil medyo malamig ngayon sa labas

"papunta na ko chikas"

Message ko sa groupchat namin habang hinihintay yung grab na binook ko


15 minutes na kong naghihintay, lahat ng binook ko nag cacancel kaya nag decide ako na mag grab share nalang


medyo tago rin kase tong condo ko kaya siguro inaayawan ng mga grab driver

after mga ilang minutes dumating narin yung grab share, buti nalang isa lang kasabay ko


sumakay na ko sa backseat katabi nung kasabay ko, he looked lost, he was wearing his airpods and nakatingin lang siya sa labas


"mam saan po ulit ang destination niyo?"


naalis yung tingin ko sa kasabay ko nung nagsalita si kuyang driver

"kuya sa uptown bgc po, salamat"

tumango lang si kuya and nagpatuloy lang siya sa pag drive


Nag message na ko sa groupchat namin telling them na malapit na ko

Nakarating narin kami sa uptown and habang kinukuha ko yung bayad ko kay kuya bigla niyang tinanong yung kasabay ko

"sir saan ho ba talaga ang punta niyo? isang oras na ho kayong nakasakay dito eh"

"kahit saan kuya, magbabayad naman ako kahit magkano wag kang magalala"

narinig niya yung tanong ni kuya kahit naka airpods siya? so ibig sabihin wala siyang pinapakinggan?

"ah mam yung bayad niyo po"

napatawa nalang si kuya nung napansin niyang nakatulala ako sa kasabay ko and hawak ko lang yung pambayad ko sa kanya

inabot ko na yung bayad ko and then bumaba na ko


naglakad na ko papunta sa meeting place namin korean barbeque daw kami tonight



"ayan na ang iska friend natin"


sigaw ni Charles na niyapos naman ako kagad, akala mo naman hindi ko kapitbahay school niya


Binati ko silang lahat and nagsimula na kaming kumain, kwentuhan about sa struggles sa school, etong si Kiana excited sa kwento niya about sa isang basketball player sa Ateneo


"guys iba talaga when I see him around campus, he shines brighter than any other guy that I've ever seen sa school"


natawa kaming lahat sa way ng pag kwento niya mukhang head over heels siya sa lalakeng iyon.


"ayan ka nanaman sa pagiging hopeless romantic mo"


sagot ko sa kanya, ever since high school si Kiana na talaga yung hopeless romantic sa aming lahat


"ang nega mo kahit kelan macy, wala pa bang guy diyan sa UP that caught your attention?"


"wala puro bading lahat yung napapansin ko"


sa totoo lang madami rin namang gwapong straight sa school ko pero syempre hindi naman sapat na gwapo lang, dapat meron ding alam sa buhay and sa current events


"alam ko na mag bumble ka!"


biglang taas ng kamay ni Hanna na akala mo naman naging successful siya sa bumble experience niya, Hanna is our friend from Ateneo also, almost lahat sila nag Ateneo ako lang talaga nag UP


"alam mo for you to have a jowa kase makipag date ka! hindi yung puro ka acads you deserve to have fun din naman"


sermon ni Tin sakin, our photographer sa group namin, she also studies sa Ateneo but 2nd year college na siya


"hindi pwede okay? may schedule ako sa buhay ko, wala akong time makipag date"


"kaya siguro dry yung lips mo palagi"


sabat ni Daniela, another friend from Ateneo


"hoy palibhasa kase masaya ka sa jowa mo, kapag kayo nag break ewan ko nalang talaga"


"hoy knock on wood bawal kaming mag break pakakasalan pa ko ni Joaquin"


natawa nalang ako kase nag worry talaga siya, 4th year high school pa kase kami sila na ni Joaquin and hanga ako how strong their relationship is


"okay lang na dry lips, chapstick lang katapat nan"


dagdag pa ni Daniela habang niluluto yung beef na bagong dating lang sa table namin


"I missed this, namiss ko to"


"ako rin, yung nag aasaran lang tayo, masaya lang tayong lahat"


Dianne told us, naiiyak pa siya habang sinasabi yon


I got teary eyed narin kase iba talaga yung bond na meron kami since high school and it hurts na wala na kami masyadong time for each other


"guys dapat happy lang tayo tonight ano ba yan, we all deserve to be happy okay? Tutuparin muna natin dreams natin and then we can have the best time of our lives"


Hanna, tama naman, kaya kami nasa dream schools namin ngayon to reach our life goals


"cheers to us guys!"


tinaas ni Kiana yung glass of soju niya and then we offered a toast to our friendship




"tama na nga iyang drama, let's take a picture na"


nilabas ni Charles yung film camera niya, nag compress kami, we hugged each other tight and gave our best smiles


sobra kong saya sa friendship na to, hopefully nothing can break us apart.

-------------------------------
<3

Chasing ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon