Chapter 8

59 6 0
                                    


tamad na tamad akong bumangon ngayon dahil PE lang ang subject namin

Don't get me wrong hindi naman sa ayaw ko ng PE subject, hindi lang talaga ako sporty, takot nga ako sa bola

Pinilit ko sarili kong bumangon at nag ayos na, nag leggings nalang ako at yung isa kong UP Maroon shirt

Pagdating ko sa building naman ay nakita ko kagad si Belle na nakaabang may dalang paper bag ng Mcdo, nagtataka lang ako kase never naman siyang nag skip ng breakfast sa bahay nila, malapit lang kase bahay nila dito sa campus

"kanino yan?" tanong ko kay Belle pagkalapit ko sa kanya

"sayo" sa akin? never naman siyang nanlibre?

"bruha tigilan mo ko, never kang nanlibre"

"gaga hindi naman sakin galing to eh kay Gab, chinat ako kanina at hintayin ko daw siya dito at may ipapaabot sayo"

kinuha ko yung paper bag kay Belle at tiningnan yung loob, 1 piece chicken with rice at merong frice and iced coffee may sticky note din na nakalagay

"always eat on time :)"

hindi ko na magets tong si Gab, kumakain naman ako sa oras? never din naman akong nag skip ng breakfast every morning, anong gusto niyang sabihin?

"tara na nga" hinila ko na si Belle papunta sa classroom namin at doon daw ang klase namin today ng PE, nagtataka nga ako kase dapat basketball ang PE namin ngayon, anong gagawin namin sa classroom?

Pero sabagay mas gugustuhin kong mag klase kesa matamaan ng bola

"that's it for today, submission is in two weeks"

huling sabi ng prof namin bago siya lumabas, eto yung pinakaaway ko as a comm student eh, yung kailangang gumawa ng video at hindi naman ako marunong mag edit

"so kailangan nating magaral ng basic basketball skills?" tanong sakin ni Belle habang naglalakad kami papunta sa area 2 para bumili ng shake

Kailangan kase naming gumawa ng video na ipapakita namin ang basic skills ng basketball, ano namang alam ko don diba?

"ganon na nga siguro"

"bakit hindi ka magpatulong kay Gab?"

"no"

"ang bilis ng sagot ah"

"kapag minention ko sa kanya ang basketball Belle magaaway lang kami"

"bakit naman kayo magaaway? galit ba siya sa bola ha?"

"komplikado Belle okay, I don't think nasa posisyon ako to tell you about his history"

"Macy I'm also his friend, you can trust me"

I was about to answer her nung bigla ko nakita si Gab walking on the other side of the road holding his books and Juan GDL was talking to him, inakbayan pa siya ni Juan pero mukhang naiinis na si Gab

He saw me pero umasta siya na parang hindi niya ko nakita

"omg macy close si gab kay juan?"

"dalian mo na ngang maglakad"

Pagdating namin sa shake stand umorder na kami ng dalawang mango shake, habang naghihintay tinanong nanaman ako ni Belle

"can you tell me now?"

"Belle all I know is bata palang kami he loved basketball more than anything hanggang elementary, high school and to be honest kaya siya nag UP hindi dahil sa gusto niya it's because kinuha siya ng UP for basketball"

Chasing ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon