Chapter 15

65 6 0
                                    


"Josh hindi pwedeng magdamag tayong ganito, any minute lang hahanapin ka na ng teammates mo"



Mga 10 minutes narin kasi kaming naka ganitong pwesto nakaupo ako and nakahiga siya sa legs ko and hindi parin nawawala yung sakit ng ulo niya




"bakit ba kase hindi mo nalang inumin yung gamot na ininom mo last time ha?"




I keep on telling him na uminom na ng gamot pero ayaw niya




"I need my gym bag"




"nasaan ba yung gym bag mo ha?"




"nasa locker room"




"ano? maglalakad ka pa papunta don? hindi mo kakayanin Josh"




"kaya nga eh ikaw ang kukuha"



Seryoso ba tong taong to? ako talaga papa-pasukin niya sa locker room ng team niya? ayoko na ngang bumalik sa loob ng gym eh




"please?"



Hindi pa pala ako sumasagot sa kanya kaya nag please na siya




Wala akong nagawa kaya umoo nalang ako, buti nalang at malapit lang sasakyan niya sa pwesto namin ngayon kaya naakay ko pa siya papunta don




inupo ko muna siya sa semento at sinandal yung ulo niya sa sasakyan niya




"may iba bang daan?"




"at the back, direktso ka lang then nasa locker room ka na"




"walang makakakita sayo I promise"




"siguraduhin mo lang dahil hindi ko alam yung sasabihin ko kapag may nakakita sakin don"





"thank you macy"



"ewan ko sayo"





Naglakad na ko sa gilid ng gym para hindi ako makita nila Danyela, wala lang ako gana para sa confrontation ngayong araw, sasabog na ulo ko




Tama si Josh mas madali yung daan sa likod




Hinanap ko na yung locker na merong nakalagay na pangalan niya





Walang lock so madali ko namang nakuha yung bag





"bakit mo dala yung bag ni Josh?"




Palabas na dapat ako ng biglang humarang si Danyela sa back exit





"Danyela please nagmamadali ako"




Hinarang pa niya lalo yung kamay niya sa dadaanan ko, gustong tumulo ng luha ko pero pinipigilan ko, ayokong mapunta sa ganitong sitwasyon





"sakto pala pagutos sakin ni Joaquin na kunin yung phone niya eh, kanina pa nga nila hinahanap si Josh, siguro pwede mong sabihin sa kanila kung nasaan siya?"





I need to make a choice





"I can't do that"





"bakit Macy? Ayaw mong malaman ng iba na inahas mo si Josh? I mean tingnan mo naman alam mong gusto siya ng kaibigan mo pero anong ginawa mo?"





Chasing ButterfliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon