Nakabalik na ko sa condo, grabe yung pagod sa byahe from south to north ba namanNagpalit na ko sa pajama ko at nagtimpla ulit ako ng iced coffee
Nagrereklamo ako na hindi ako makatulog sa gabi pero napaka adik ko sa kape
Umupo na ko sa study table ko at nag check muna ako ng phone, nag flight mode kase ako bago umuwi dito sa condo
Pag alis ko ng flight mode sabog naman ang phone ko sa dami ng text messages, merong text si ysa at mama na ingat daw ako pero ang may pinaka maraming text ay si dianne
From: Dianne
"Macy panget ba ako"
"Macy sabihin mo saken totoo"
"kapalit-palit ba ko"
"then why?"
lasing ba to? pero hindi naman siya umiinom eh, tinawagan ko na siya at tinatamad ako magreply
"hoy Dianne bakit? si Liza ka ba ha? nagpapractice ka bang mag audition kung saan?"
"gaga seryoso ako don sa mga sinabi ko"
"maganda okay, tanga nalang yung ipagpapalit ka, pero wait may boyfriend ka na?! kelan pa bruha ka!"
"wala pa nga kaming label na ghost na ko"
Why do people ghost other people ba? nakakainis, nakakairita
"alam mo sagot ko sayo? Kalimutan mo na kung sino man yan, dun ka sa lalaking papanindigan ka mula umpisa hanggang dulo"
Umiiyak na si Dianne pagkasabi ko non sa kanya
"Dianne you deserve better okay? walang pagkukulang sayo, walang mali sayo, it just takes the right guy to see it"
Lalo siyang naiyak
"thank you macy! alam kong ikaw talaga magpapagaan ng loob ko eh"
"susundin mo kaya advice ko ha? Isa ka ding clown eh"
"promise!"
Nagkamustahan pa kami saglit bago ko binaba yung tawag
Hindi pala ko nakapag dinner kaya nagugutom ako ngayon
Kinuha ko yung wallet ko at nag decide na ako nalang mismo pumunta sa mcdo kesa magpa-deliver
Pagdating ko sa Mcdo malapit sa condo ko wala na masyadong tao dahil 9:30 na din pala
Hinihintay ko nalang yung order ko nung may tumawag sakin
"macy!"
Si kiana kasama si Danyela, Joaquin at Josh
Mukhang kanina pa sila dito kase kumakain na sila
Kinuha ko yung order ko at lumapit sa kanila
"anong ginagawa niyo dito? nasa kabilang side yata kayo ng Katip"
Sabi ko sa kanila pero nakatingin lang ako kay Kiana at Danyela
"territorial ka girl? wala lang para maiba naman" sabi sakin ni Danyela na kumakain, mukhang siya nanaman yung huling matatapos, ever since high school ganyan na yan
"ikaw macy, ngayon ka lang mag dinner late na ah?" tanong naman sakin ni Kiana na mukhang nagtataka kase never naman talaga kong hindi kumakain sa oras
"umuwi kase ako kay mama kaya ayon nalimutan ko ng kumain"
"ay wait macy si josh pala, para naman may proper introduction kayong dalawa, naalala ko lang sabi ni josh nung last time na nasa ateneo ka hindi ka niya kilala"
BINABASA MO ANG
Chasing Butterflies
FanfictionA story about friendship, betrayals, family, heartbreaks, triumphs and love.