Wala akong class ngayon so I decided na umuwi muna sa bahay naminTumayo na ko sa kama ko at dumirektso na sa cr para maligo, sobrang init ngayon sa labas kaya nag maong shorts nalang ako at plain white shirt, dinala ko narin yung laptop ko in case may biglang ipagawang paper mga prof ko
As usual nahirapan nanaman akong mag book ng grab papuntang bus stop para makauwi samin
Naka ilang try din ako bago makapag book, naalala ko tuloy yung last time na nag grab ako...
Habang nasa grab ako nag message na ko kay ysa, childhood friend ko, close kase parents namin since magkapit-bahay lang kami
To: Ysa
ysa! may class ka ngayon? uwi ako Cavite
Habang hinihintay reply ni Ysa nag scroll muna ako sa twitter, tiningnan ko kung may bago bang chika or kung ano nanaman bang bagong katangahan ginawa ng gobyerno
While I was scrolling nakikita ko yung rant tweets ni Tin sa rant account niya, mukhang naiinis parin siya about dun sa kagabing kausap niya
"pasalamat ka gwapo ka talaga pero gago ka parin"
Nakalagay sa isang tweet ni Tin, guy pala kaaway niya? sino naman kaya, minsan lang yan magwapuhan sa isang lalaki, masyadong mataas standards
Kung si Tin naman puro rant tweets yung nakita ko etong si Kiana puro about sa love at crush niya yung tweets at retweets niya
Mukhang head over heels na talaga siya.....
Si Danyela as usual puro kaharutan lang nila ni Joaquin yung tweets niya, may dm naman bakit kailangan ipublic diba?
Si Charles puro pictures yung tweets niya, hindi man siya yung photographer talaga pero grabe yung galing niya when it comes to editing pictures
Si Dianne mukhang inlove sa tweets wala namang jowa
Si Hanna ang lungkot nanaman sa tweets niya
Tinext ko na ulit si Ysa at na stalk ko na yata lahat ng kaibigan ko hindi parin siya sumasagot sakin
To: Ysa
hoy! uso magpa load sobra naman yata pagtitipid mo sumagot ka nga
After five minutes tumawag na siya sakin, kahit kelan talaga napakatamad magreply
"hoy wala akong klase kakagising ko lang"
"girl anong oras na? Morning person ka ah bakit late ka nagising ngayon"
"late night talks"
"ulol ysa wala kang jowa"
"wala nga"
"eh sinong kausap mo?"
"schoolmate"
"kapwa mo tamaraw?"
"hindi taga UP! schoolmate ko nga diba macy"
"bwiset ka, lalaki ba yan o babae ha?"
"bading"
"ano nga aba"
"secret"
"may label ba yan"
"wala kang pake macy monzon"
"itago mo yang phone mo mamaya pagdating ko diyan"
BINABASA MO ANG
Chasing Butterflies
FanfictionA story about friendship, betrayals, family, heartbreaks, triumphs and love.