JOSH'S POV
After kong makainom ng gamot bumuti narin ang pakiramdam ko, nagusap pa kami ni kuya Gab, nag catch-up sa mga bagay-bagay.
"Josh he's still your dad, kahit gaano pa siya kagago, respetuhin mo parin siya" kuya Gab told me pagkatapos kong mag rant sa kanya tungkol kay dad
"kahit ikaw na kapatid ko hindi niya nirespeto?"
Itinawa nalang ni kuya yung sinabi ko, "Josh let's not talk about the past na please? andito na ko to build a relationship with you again as your kuya"
Tuloy-tuloy parin kaming nagkwentuhan ni kuya when we noticed na mag gagabi na wala parin si Macy dito sa condo niya
Bumaba na kami ni kuya dahil need na daw niyang pumunta sa apartment niya para maligo at amoy alak parin siya— pagbaba namin nagulat kami at natawa dahil sobrang sarap ng tulog ni Macy sa lobby ng condo niya.
I looked at kuya Gab and he was smiling and then tumingin siya sakin, "oh ikaw na gumising diyan ha? napakabaho ko na"
Natawa nalang ako— niyapos ko si kuya Gab bago siya umalis pagkatapos ay lumapit na ako kay Macy para gisingin siya
kinulbit ko siya pero hindi parin siya nagigising, mukhang napasarap na nga talaga ang tulog niya.
ang ginawa ko ay sumigaw ako sa tenga niya—
"putangina!" Tawang-tawa ako dahil sobra siyang nagulat at napasigaw, napatingin tuloy yung ibang tao sa lobby samin
Tiningnan ako ni Macy ng masama at hinampas ako ng paulit-ulit
"alam mo ikaw nakakainis ka!" sigaw ni Macy sakin habang naiinis pero sabay natatawa rin— that's the one thing I like about her, she's not afraid to be herself kapag kasama niya ako...
BACK TO MACY'S POV
Nagising ako dahil sa pagsigaw ni Josh sa tenga ko, napamura tuloy ako ng malakas hiyang-hiya na ko....
Pinaghahampas ko siya para kunwaring naiinis ako pero sabay natatawa narin ako
Tumayo na ako at hiyang-hiya na ko mag stay dito sa lobby
Sabay kaming naglakad ni Josh papunta sa elevator paakyat sa unit ko
Napasandal ako at sumakit ulo ko sa pagkaputol ng tulog ko
"huy sorry inaantok ka pa yata" Josh told me with concern habang nakatingin siya sakin
"baliw okay lang ako, atleast nakapagusap kayo ng kuya mo"
"thank you by the way for letting us talk sa condo mo"
"did it went well naman ba?" I asked Josh kase I'm genuinely concerned kung kamusta naging paguusap nila
"it went perfect" Josh told me with a big smile on his face
I'm so happy for him kase kitang-kita ko sa kanya na masaya talaga siya, After everything na pinagdaanan niya these past few weeks, kinailangan na niya talaga kuya niya
Nasa unit ko na kami, pagkapasok ko chineck ko kagad notifs ko sa phone— mukhang tuloy-tuloy na tuloy na talaga sila mag beach ng hindi ako kasama.....
BINABASA MO ANG
Chasing Butterflies
FanfictionA story about friendship, betrayals, family, heartbreaks, triumphs and love.